Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 4.60 stars)
Loading...

Sinungaling – Loonie Ft. Ron Henley Tuff Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sinungaling – Loonie Ft. Ron Henley Tuff

[Verse: Loonie]
sinungaling ka sinungaling ako
sino nga ba satin ang nagsasabi ng totoo
sinungaling ang sumbahan
sinungaling ang gobyerno
sinungaling pagsinabing dito galing sa kwaderno
sinungaling na radyo sinungaling na dyaryo
barado inidoro sinong galing sa banyo
mahirap malaman kung sino satin ang tapat
sapagkat para sakin sinungaling ang lahat
sinungaling yung nagpresyo sa resto ng tapsi
sinungaling yung tsuper pati ung metro ng taxi
sinungaling ung kasintahan anak ng tinapa
sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa
kasama nya yung sinungaling mong tunay na kaibigan
na dadamay sayo hanggang sa hukay mo sa libingan
pano mo malalamang akoy nanloloko lamang
sinungaling ako’t yon ang katotohanan

[Choruse]
kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
sino ang tapat sino ang di totoo
sino sino sinungaling ako

kasinungalingan sa kaliwat sa kanan
makinig ka muna upang mapaliwanagan
kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
sino sino sinungaling ka rin

[Verse: Ron Henly]
meron akong kwento isa daw syang henyo
kaya pala kase mahilig syang mag imbento
bawat may makilala may panget na kumento
pero pag nakaharap parang galing sa kumbento
makamandag kasi dahil dila ay may sa ahas
dahilan para kagatin ni eba ang mansanas
ngunit akoy matalas wala na syang takas
alam na namin di sya lumalaban ng patas
mag ingat ka na rin may balak syang maitim
alam kong ahas lang ngunit taoy nag babalat na rin
ibat iba ang hugis at kulay sa pag sisinungaling sya nabubuhay
pagkakaibigan ang binayad tapos eto ang sukli ko
dapat ka lang sa dilim kasi ang itim ng budhi mo
lumayo ka sakin wag mo kong kausapin
na ayoko sa lahat ay sinungaling

[Choruse]
kahit na sarili ko di ko mapagkatiwalaan
di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
sino ang tapat sino ang di totoo
sino sino sinungaling ako

kasinungalingan sa kaliwat sa kanan
makinig ka muna upang mapaliwanagan
kung walang tapat sayo ikaw ay aking tatapatin
sino sino sinungaling ka rin