Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (115 votes, average: 4.68 stars)
Loading...

Isang Jeep Featuring Hiphop22 – Loonie Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Isang Jeep Featuring Hiphop22 – Loonie

Loonie, Ron Henley, Abra, Apekz, Dash, Konflick, Jonan Aguilar, Klumcee, K-Jah, BLKD, Chi-nigg, D-coy, Mike Swift, Puting Kalabaw, Rhyxodus and Smugglaz.

(Loonie)
Iba’t ibang klase, iba’t ibang trip
Iba’t ibang biyahe, iisang jeep
Siksikan masyado
Ihing-ihi pa baka di na umabot sa banyo
Bahala na kung maihi ka sa brip
Tiis lang saglit kasi ilang pikit nalang
Malapit na tayong dumating kaya pipilitin ko na lang umidlip
Pinapalagkit ang mga pantig
Pinapawitik ko para astig
Magkakaiba man ang pinanggalingan lahat kami dito magkakapatid
Kahit gaano kahirap ang buhay miski papano makakatawid
Basta may weed mapapamanhid
Lilipad kami sa himpapawid weed!

(Ron Henly)
Madaming bakante waluhan ang jeep
Upong isa lang chief
Isang oras ka naghintay
Kaya sulitin mo ang labing-limang minuto na trip
Handang makipag gitgitan sa traffic
Ruta namin biyaheng langit
Ayus lang naman ang sumabit
Basta hihigpitan lang kapit
Kaskasero ang nagmamaneho kaya bumaba yung ibang pasahero
Pero, yung iba kumapit sa bakal parang sa bala
Hindi tinatablan, iba’t ibang sakayan naman ngunit iisang babaan lang!

(Abra)
Sige tara na arangkada na sa kalsada kasama aming barkada
Nakatadhana ang mga tala, bahala na si Bathala
Iisang jeep at iba’t ibang trip, parang magkakasabay na naghihimagsik
Kaya pag naglakbay kapanapanabik
Para sa kada Linggo may tiglilimang gig
Oh! Sa bilis ng bibig nakakabilib pagkat di napipilipit ang mga dila
Ang sikip ang init pero ang dami pa rin diyan na nagpu-pumilit na makpila
‘Di mo akalain na na maari naming marating ‘yan ang magkakalapit ang mga bida
Katuwaang raptrip kaso mala-traffic magmula sa Pasig, Metro Manila!

(Apekz)
Ang dila ay pipilantik mga laway ang magsisitalsik
Titigil lang sa pila ng jeep, o’ kaya maging pipi ang beat
Diretso atake, isang sakay Monumento ang biyahe
Kumpleto at swabe, perpekto pa pare nasa metro palagi
Medyo maarte sila kung magsulat
Ako banat na banat parang nag unat
Makatang arsonista, barang bartolina
Kung walang gasolina eh di mag tulak
Mga talangka na hindi maka-abot ang mga nagbabalak tengga laos
Isang kamay lang sa manibela, dito sa karera pader ang tagos!

(Dash)
Yo, mamang tsuper is out of control traveling in time warp speed
Zonin’ way deep into dope beat b-b-booming in your jeep
Expresslane goin’ insane
Never coming back oh we’re movin’ and improvin’
Never swerving off-track
Simple lang pero maangas
‘Till deadly walang kupas
Ibang klaseng biyahe ‘to humahataw walang sayang na oras
No turning back yo mama isang jeep lang po tayo
Go in the extra miles beyond the distance kahit gaano kalayo!

(Konflick)
Oops! Teka pasabit sasama ‘ko d’yan
Higpitan mo ang kapit humawak ka d’yan
Baka tayo malubak papalagapak parang takata na
Nakayapak pwede sa lapag
Pero gusto ko sana’ng ako magmaneho
Palitan ang mga pakialamero
Siksikan man kaming mga pasahero
Layunin namin na magkakapareho
Kahit na makipot ang kalye (kalye)
Kahit na may humarang sa daan (sa daan)
Kahit malubak ang dadaanan, di ko hahayaan na mabarahan (barahan)
Minsan akong naiwan biyahe (biyahe)
At ako’y nahimbing (nahimbing)
Sisiguruhin kong sa biyaheng ‘to ako ay makakarating!

(Jonan Aguilar)
Ako’y bibiyahe, simula sa panaginip at sa pag gising
Imulat ang mata tugma sa isip bawat pinid pinid ng silinyador
Pabor sa pintig ng litid, sumasabay sa init ng motor bagsakan ang titig
Indyakan ng mga padyak sa bigat at lagkit
Ng bawat hirit sumingit kung pumirmi at umidlip man d’yan sa gilid
Walang kawala kung sasaliwa ay tamaan ng lintik
Kung puno’t masikip sumabit at di ka na kailangan pang mag dalawang isip!

(Klumcee)
Sa biyahe namin okay lang basag ang ilaw wag lang trip
Kahit may saging sa tambutso at driver amoy dangit
Katas ng luha at pait ang nakasulat estribo
Tumatakbo pa rin kahit paso na ang rehistro
Malapitan, malayuan, punuan, parati kandungan
Biniyahe ang bakal na jeep lumagare Cebu, Parañaque, Dagupan
Parang dumaan sa sa kalye ng balete lahat ay kinikilabutan
Sampu kalahati ng bente kabadong hindi makasingit sa aming upuan!

(K-jah)
Pagka-sampa ko ng aking paa, bakit lahat ay nakasimangot?
May ilang pinipilit tumawa, halatang binabagabak ng takot
Paano ako papasok nang hindi mainit sa tingin?
Gusto kong baguhin malungkot ang dating sa paraan ng tamang pagpapapansin
Hindi madali, kailangan na munang matuto akong makibagay
Ako nga ang s’yang masaya ngunit sila ring galit ang s’yang aagapay
Wasak na kalsada ang nilagpasan binahagi sa akin ang karanasan
Na pag ako na ang humawak sa manibela’y kabisado ko na ang daan!

(BLKD)
Deba-debate nanaman mga makitid ang utak
Sino ang pinaka tila ba biggie at tupac
Sama-samang nagnanasang mapataas pa ang tugtog
Kapit bisig aming tinig sa pagbuhat ng bundok
Ng kulturang napunggok ng ugaling pwede na
Na ready na, sa teknika’t hasang estetika
Steady ka? Kami’y tuloy tuloy sa pag-abante
Mas mahal na gapas sa pag para ang pag biyahe!

(Chi-nigg)
Mula Ungpin hanggang Binondo papasada na ang jeep ni Jeff
Sa estribo ka kumapit higpit ang sabit tumataas ang reb
Busina ko’y pang gulat, tambutso ang panulat
Ako’y alamat walang tumapat pababagsakin kahit sinong sikat
Baraha ko na binalasa, ikambyo mo na sa segunda
Sa trip ng jeep na ‘to ang di magbayad bumaba na
Manong para, ang flow na ‘to di mo na kaya pang i-vulcanize
Matigas like bloke ng ice tulad din ng bote na family size!

(D-coy)
They know I’m dangerous, kaya nga batang pasahero may konteng nerbyos
Walang mambabastos, holdap, banatan, tirahan, dito na magtatapos
Hip hop Bentedos
Ibaba na ang lona, iraos na natin ‘to Loonie
Kasama si D-Coy sa biyahe na ‘to kaya kumapit lahat ng mabuti
Split your game, wala nang talksh*t
Uso na ang peace sabi ni Mike Swift
Sexy plan di namin young trip may G.H.P
Dinala ang buong trip, ito na ang pinakamalupit na biyahe
Buddha, ano na ang nangyari?
Imbes na lumala, nagbigay ng himala
Kahit walang katambay, ewan ka naming naka-tulala!

(Mike Swift)
Para po, tabi lang d’yan, basta tabi kahit saan
Daming kasama ko ganda ng gadget ko
Nanggaling pang Canada tara mag jam
Kasama ng banda ni Loonie at Ron makikiraan
Akin nang sukli sa limang daan
Minsan lang mangyari ganitong samahan
At lalong mahirap, sa may paraan balikan na lang
Sakay na sa jeep, siksikan isang picnic-an sa beach
Para makatakas sa stress sa street punta Batangas dala ka ng beats
Alak at weed teka lang fatigue sounds ko si
Big Mod Def at Talib out of this league to see to believe, ayos kapatid!

(Puting Kalabaw)
What up motherf*ckers you wanna f*ck down gimme some room!
Watch your feet I’m a big dude, Baby I’m at you, I’m coming too!
Pit*ngina ang init! Siksikan sa jeep I mean it!
Bayag ko ay naipit, keep the change I know u need it
Makinis ang hita ng chicks na nasa gilid
Ang puti puti ng legs, miss pwedeng pasilip?
Manong driver, pwede bang bilisan mong mag maneho?
Init na init na kami at ihing-ihi na ang mga pasahero!

(Rhyxodus)
Teka lang nasan’ na tayo sa jeep?
Nako eto na umpisa na ng trip
Si Loonie at Ron, sumisinde
Si Buddha nag roll ng mas matindi
Si J-hon at Mike, humahalakhak
Si Abra at Smugg, wasak na wasak
Edad, Skye kamusta na tol?
Si Jeffrey Tam, nag magic na doon
Si Kjah, si Apekz, Blkd at Konflick nagrarap sa gitna ng traffic
Nako lagot, si Jonan at D-coy, ay may inabot ano ‘to ha?
Ang lakas ng beat with Klumcee Dj SPNZ, ay isang biyaheng malupit Gorgy tara!

(Smugglaz)
Hoy! M-m-m-m-mama p-p-p-p-para b-b-bata b-b-b-b-baka
Pwede sa biyahe sumama, sumalo, sumali etchetera at b-b-b-b-bla-bla
Teka punuan na ata, wala nang bakante pero kahit estribo man ay madulas
Baka pwede sumabit na lamang para balanse
Likod at harapan, kanan at kaliwa, okupado lahat ng espasyo
Timpladong di sobra di kulang ang mga rekado sapagkat eksakto
Pakisama na lamang ang pamasahe, sukli ay tiwala sigaw ang busina
Walanang masasagasaan pero may magagawa na kargado na kami ng gasolina!

Submitted by: ChronusX