Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (37 votes, average: 4.59 stars)
Loading...

Bago Ang Lahat – Loonie Ft. Ron Henley Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bago Ang Lahat – Loonie Ft. Ron Henley

[Loonie:]
Ang Haba ng tulog ko masyadong masarap,
Daig ko pa ang batang bagong panganak
Ni hindi ko nga alam kung paano naganap
Paggising ko bigla nalang nag bago ang lahat
Yung Taxi, kwarenta na ang flagdown sa metro
Tapos halos dose pesos bawat kilometro
Siguradong mababadtrip dito si Rizal,
Barya nalang ang sampung puso, literal!
Boksingerong kongresista, pwede na!
Palakasan sa pulitika, etcetera
Hindi na uso ang silya elektrika,
Tapos si Rustom Padilla may dede na!
Tigok na si Saddamm, patay na si Osama.
Nag-tsunami sa Japan, buti buhay pa si Ozawa
Halalan sa Amerika, nanalo si Obama
Puti na ang pisara, bagong simula na!

[Violette:]
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na,
Lahat ay nagbago na

[Loonie:]
Pabago-bago, pabago-bago (3x)
Ang panahon at isip ng tao

[Ron Henley:]
Sa aking pagbalik, halos walang nagbago sa itsura
Ganun pa rin ang bakod bago lang ang pintura.
Mailaw na lansangang, bagong gimikan,
Pare-pareho lang ang ulam, bagong init lang
Sa panghi tingnan natin kung hindi ka mandiri
Sa pader, kung san nagpapataasan ng ihi,
Panay bagong mukha ang nasa gitna,
Dating salimpusa naging aso bigla
Nawala na yung dating mga kasama ko lagi,
Nag-anyong gusali at nagpakabahay kunwari
Sa ilog ng pagsubok lulutang ang ugali,
Nagbago ang galawan nawala lang yung hari
Ang daang baku-bko sana maging semento,
At ang daang liku-liko sana maging derecho
Pilit kong inisip ano nga bang nag-iba?
Sino nga bang nagbago, ako ba o sila?

[Violette:]
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nag bago na,
Lahat ay nagbago na

[Loonie:]
Pabago-bago, pabago-bago (3x)
Ang panahon at isip ng tao

[Loonie:]
Taong dalawang libo’t labing dal’wa,
Habang tumatagal ang mundo nag-iiba
Walang permanente kundi ang pagbabago,
Dating luntian, unti-unti nang naglalaho
Tubig sa ilog pasig pwedeng inumin dati
Tinitingnan ka ng mata ng Illuminati
Para sa’n pa ang TV, kung meron ng PC
Aanhin pa ang encyclo kung meron ng wiki
Buong mundo nasa dulo ng daliri mo
Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo
May bago kang phone ano ang gagawin mo?
Kung may lumalabas na masbago kada lingo
Sa bilis ng oras wala ng kamay ang mga relo
Baka di mo nalang mamalayan biglang mamatay ang katabi mo

[Violette:]
Bago ang lahat, alam mo ba na ang
Lahat ay nagbago na,
Lahat ay nagbago na

[Loonie:]
Pabago-bago, pabago-bago (3x)
Ang panahon at isip ng tao

Videokeman Search