Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (11 votes, average: 4.27 stars)
Loading...

Pag-Asa, Pag-Ibig, Paglaya – By Kartel , Lion and the Scouts Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pag-Asa, Pag-Ibig, Paglaya – By Kartel , Lion and the Scouts

Umaasa…umiibig…mapagpalaya.

Ang mga awit, na naglalakbay sa hangin…umiihip.
Sana’y maintindihan, kapag ito’y dumating ay may damdamin…may bilin.

KORO | Joswha:
Mamumutawi ang himig ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!
Makasaysayang awit ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!

VERSE | Ilaya:
Ang musika sumasalamin sa damdaming maligaya’t
Nagpapadama ng pighati, kung minsan ay kumikiliti
Sa isipang naglalakbay sa kawalan
Nagpapahayag ng saloobin ng manunulat
Na nais maglathala ng mulat na kaisipang
Sumasabay sa bagsak ng instrumentong nag-aayon
Ang kagawaran ng sining na nagsasalaysay
Sa mga napapanahong pangyayaring
Pumupukaw ng pansin ‘di para linlangin ang diwang nangungulila

KORO | Joswha:
Mamumutawi ang himig ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!
Makasaysayang awit ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!

VERSE | Tala
Kay halaga ng sining na may kabuluhan
Isang larangan na pinanday ng karanasan
Nilikha para mag-iwan ng bakas na hahakbangan ng iilang mulat
Imulat ang naiwan pang bulag
Bagamat madalang man pakinggan ng karamihan
Ganap na kalayaan ang kahilingan ng karaniwang
Taong nananabik madama ang kaginhawaang inaasam-asam
Ngunit iilan palang ang bilang ng mga kawal na hinirang

KORO | Joswha:
Mamumutawi ang himig ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!
Makasaysayang awit ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!

Ang mga awit, na naglalakbay sa hangin…umiihip.
Sana’y maintindihan, kapag ito’y dumating ay may damdamin…may bilin!
Mamumutawi ang himig ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!
Makasaysayang awit ng pag-asa…pag-ibig…paglaya!