Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (23 votes, average: 4.57 stars)
Loading...

Pusong Pinaubaya Feat Toyi – Lil Sisa Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pusong Pinaubaya Feat Toyi – Lil Sisa

Katamtaman ba o labis lang sigurong nagmahal,
Kaya nahihiya ngayong aminin na akoy hangal,
Matatawag bang hibang ang umiibig ng husto,
Magpaubayay di kaduwagan sa pusong ginusto,
Ang makitang maligaya kang hawak kanyang kamay,
Tatalunin ang ingit kakampi ma’y paglulumbay
Lungkot at pagmumukmok, aking iisang tabi ,
Kung mayayakap kitay walang puwang ang sandali,
Para pigilan at awating pagtapat ang dahilan,
Sabihin ang syang totoong rason di kataksilan,
Dama ko ang paghihinala, di man ipaalam,
Masasanay magtiis kaya wag kang magdaramdam,
Bandang huli mahal mauunawaan mo rin ako,
Pagmamahal noon sayo bat nilibing ko ng abo,
Yun ay dahil sa matatanggap kong palayain ka,
At kainin ng buo ang salitang “mahal kita”

Chorus:
Sadyang minahal kita, dahilan kung bakit ko,
Ninais magparaya, pag-ibig dinaya, magbigay daan sa kanya
Mapapatawad mo paba, kung malalaman mong ang puso,
Ay nag paubaya, maging maligaya, ka lamang dyan sa piling niya,
Aking mahal…

Sumasang ayon sa disisyon
Pasyang sya nalang na dapat ako ang karelasyon
Dahil sa tabi mo sya wala akong magawa
Kaya diiii talaga pwedeng maging tayong dalawa
Di ako para sayo mas bagay kayo
Imbes na lumapit ako ay lumayo
Kahit masakit kahit di ko matanggap
Magpapanggap na ok lang kahit masaklap uhh!
Ang hirap huminga dibdib kabado kumakaba
Ilang beses nagtatanong sa salamin bakit ba
Ganon na lamang ang pasya para ka lamang sumaya
Sa kanya ka nararapat kaya ako’y kalimutan na
Di mo kailangang mangamba sapagkat tanggap ko na
Sadyang hindi lang tayo para sa isa’t isa
Hindi naman sa di kita kayang ipaglaban
Mahal kita pero hanggang doon na lamang

Chorus:
Sadyang minahal kita, dahilan kung bakit ko,
Ninais magparaya, pag-ibig dinaya, magbigay daan sa kanya
Mapapatawad mo paba, kung malalaman mong ang puso,
Ay nag paubaya, maging maligaya, ka lamang dyan sa piling niya,
Aking mahal…

Isa lang ang pakiusap wag ka nyang paluluhain,
Pagbuhatan ng kamay, saktan ang iyong damdamin,
Nandyan sya sayong tabi pag my problema’y dadamayan,
Sana sa paglakad moy lagi ka nyang aalalayan,
Samahan ka’t bantayan, khit saan ka magpunta,
Gaya ng pag-ingat ko noon sayo ng tayo pa,
Pagkat di mapapatawad ang sarili kung ito,
Aakuin ko lahat ng salang binintang nito,

Sana di ka nya saktan sinta
Dahil ayoko ko ng makita
Na lumuha ang mga mata
Mo sana lage kang masaya
Sana tama rin ako na sya nalang at di ako
Ang ibigin mo ng tunay kahit na alam ko
Na ako parin mahal ang tibok ng puso mo
Ako parin oo ako parin tama ba ako
Pero hindi ko kayang, panindigan ang lahat
Pag ibig ko’y lageng kulang at hindi sapat!!!

Chorus: (2x)
Sadyang minahal kita, dahilan kung bakit ko,
Ninais magparaya, pag-ibig dinaya, magbigay daan sa kanya
Mapapatawad mo paba, kung malalaman mong ang puso,
Ay nag paubaya, maging maligaya, ka lamang dyan sa piling niya,
Aking mahal…