Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (16 votes, average: 4.38 stars)
Loading...

Super Torpe – Lil Jay Feat. Jhack Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Super Torpe – Lil Jay Feat. Jhack

Meron akong kukuwento tungkol sa isang babae na
kapag kasama ko ay wala naman akong masabi sa kanya
kasi naman nangingibabaw ang kaba
isip ko’y litong-lito at gulong-gulo na talaga
di ko manlang mabigkas dahil ako’y na tatakot
pakiramdam ko sa puso ko meron daga na bumabalot
ligaw tingin nalang ba ano bang dapat kong gawin
ah…alam ko na mag papa cute sabay duyan kakantahin
kukulitin,aasarin ng sa ganun ay mapansin
mag papasikat at ililibre ko pa siya dun sa canteen
sabay napansin limang piso nalang ang pera ko
ano ang bibilhin,pano paba mag kakasya to
buti nalang nakita ko merong mamang surbetero
manong pabili nga po ng ice cream
yung flavor chocolate at keso
sabay seniyas wala na iho ubos na paninda ko
malas ko ngayong araw sabay kamot sa ulo ko

natatakot akong sabihin na mahal kita
lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
yan ay di ko makakaya
natatakot akong sabihin na mahal kita
ano ang dapat gawin,pano ko sasambitin
kung ang puso ko ay binabalot na ng kaba

araw ng lingo araw na nakakabangot
hindi ko siya makikita
kaya pala ako’y nalulungkot
mag sisimba nalang at mag dadasal kay god
lord gabayan mo po ako para aking malahad
ang nararamdaman ko,tama po ba o mali
bata pa naman ako,mukang hindi dapat mag madali
mananahimik nalang ba! uupo sa isang tabi
at sasabihin sa sarili, malabong maging kami..
hay…ang hirap na ganito puwede bang humiram ng tapang
ngunit pakiramdam ko merong mistulang nakaharang sa puso ko’y
iniisip ko parang meron naka bara
daing ko pa ang taong nag tatago sa likod ng maskara
puso ko’y nahihirapan na
ano ang dapat kung gawin nadarama naka tago
pano ko sasambitin sa tuwing ika’y kaharap
ako’y langing nauutal hangang kailan panghahawakan lihim na pag mamahal

natatakot akong sabihin na mahal kita
lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
yan ay di ko matatanggap
natatakot akong sabihin na mahal kita
ano ang dapat gawin,pano ko sasambitin
kung ang puso ko ay,, binabalot na ng kaba

pano mo nga mapapapasin
na puso nag babakasakaling mapalapit sayo
kung pag bibigyan ng pag kakataon na masabi ang matagal ko ng
nilihim na pag tingin,sa kadahilanan kahit konting lakas ng loob
di mapanghawakan at parang wala ng pag-asa naiiwan sa aking
dahil di ko magawang aminin,parang nakabara sa aking damdamin
salitang nais kitang mapasakin ang sakit tuwing nakikita kita
tinuring ko ng isang ispirasyon na syang lungkot pag naisip ko na
tila napakalabo dahil sa rason,ang aking kalooban na di ko malaman
kung bakit nga ba langi na may pangamba,pwede ko naman ipag tapat sayo
na mahal kita,madaling sabihin pero may kaba
kung di man ngaun,sana balang araw ay malaman mo na ang pagtingin
mula sa akin ng galing,bawat sa salitang tunay na minamahal kita
ako’y palarin ng sa gayon maging katuparan ng pag-ibig walang
alinlangan sa takdang panahon,mailahad ko sayo na ikaw nalang ang kailangan
pansin na sayo nilaan nalingid sa kaalaman na pinangako upang makumpleto
ang buhay at makalaya narin ang nakatago

natatakot akong sabihin na mahal kita
lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
yan ay di ko makakaya
natatakot akong sabihin na mahal kita
ano ang dapat gawin,pano ko sasambitin
kung ang puso ko ay,, binabalot na ng kaba

natatakot akong sabihin na mahal kita
lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
yan ay di ko makakaya
natatakot akong sabihin na mahal kita
ano ang dapat gawin,pano ko sasambitin
kung ang puso ko ay,, binabalot na ng kaba