Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

MTV – All Star Lhirikoh Familia Ft Mike Kosa Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of MTV – All Star Lhirikoh Familia Ft Mike Kosa

JhoMajikero (part 1):

yoh! sisindihan ko na ang lamparang liwanang sa ming kuweba,
sumaksi buong madla pagkat sila ang aking pruweba,
musikang inilathala at aking nilimbag,
upang sa sining ng laro muli kong maiambag

ang payak na pagbugang hindi kailangang isigaw,
at dinig to ng lahat hindi binirit ang bitaw
na pangkaraniwang base sa panlasa ng Pinoy
kahit ang iba sa atin ay alipin ng Chinoy

narito aking pamilyang magbabago ng sistema
itatama ang mali, ibabalik natin sa tema
ang pormal na pag-atake sa harap ng entablado
walang hinalong mura, ang tugma ko ay timplado

ito ay balagtasang inihanay na sa duwelo
nag-ugat sa Mandaluyong, at namunga hanggang dulo
pakinggan ang mga sasambitin ng Lhirikoh
makikinig na naman sa amin sangkaterbang kritiko

Gatilyo:

sa pagbigkas ko ng pangalan ko na Randy at Gatilyo
tingin ko lang sayo mukhang tinutukan ng kutsilyo
dahil di ka mananalo sa aking lakas
kahit saan ka magpunta Lhirikoh ang batas

di ba dapat sa pagbitaw pulidong letra ang sigaw
kasi baka matunaw kang parang lusaw na palitaw
haluin mong mabuti yan kulang pa yan sa gawgaw
bakit ganyan ang pantalon parang bitin sa lawlaw

wag kang mangarap uy ungas, wala ka pa sa kahalati
sa mura kong edad lahat sa akin bumabati
hindi ako sikat pero akoy may ebidensya
utak pinapagana, ang rap aking lisensiya

baka hindi ka na muling tubuan pa ng pakpak
ginamit mo sa paglipad nung ikaw ay lumagpak
“wagapak” ang narinig ko, nadurog ang buto
nahulog ka sa Lhirikoh na dumudurog ng bato

Radikal:

sa paglabas sa publiko pangalan ko’y hindi matinag
ako si Radikal ng Lhirikoh taga-Panatag
isinilang sa Mandaluyong at dito itinakda
ang kapalaran ko na siyang tadhana na ang may-akda

sinong nagsabi dyan may bago siyang mga bokabolaryo
lahat ng yan pare wala sa aking diksyunaryo
wag kang mangarap makapunta sa Amerika
kulang ka pa sa pambara mag-aral ng retorika

para madagdagan naman nalalaman ng iyong utak
bitaw mo patapon daig ka pa ng nakabatak
sinong guro mo at bakit hindi ka natututo
mag-aral ka naman wag kang tumambay dyan sa kanto

hindi mo pa kilala kung pano ako humatol
kaya sa mga Lhirikoh ay wag ka nang humabol
isang daang porsyento sing lupit ng kabalyero
ngayon tikman mo ang bagsik ng isang batang inhinyero

Insolent One:

kapag ako bumibitaw, lahat sila napapahiyaw
napapasabay sa bawat pagkumpas at aking pagsigaw
at ikaw na nagsasabi na wala akong talento
siyentipiko ako, makinig sa naimbento

diskriminasyon ka hindi ka na dapat tularan
taas ng yong lipad at kami pa ang kinalaban
hindi mo makukuha ang premyo sa paangasan
at di ka mananalo pagdating sa balagtasan

nagkalasan, kayong lahat nang marinig ako
ako si Insolent One bubuwag sa grupo nyo
gamit pinaghusayang salita mula sa pambira
lahat kayo ay uubusin at walang itititra

mag-angas ka sa min kung meron ka nang pagyayabang
ako yung baguhan na dapat saluduhan at igalang
wag kang mag-rap ng ganyan kung ayaw mo na makapon
narinig ko awit nyo lahat iyan ay patapon

JhoMajikero (part 2):

yoh! heto na naman ang manlilimita, di mo malaman aking binuga,
mga pagbitaw mo na puro palya walang inatupag kundi mambalya
gamit ang brasong pinuno mo ng mga dugyot mong tato
ang sayo’y hinliliit, ang akin ay hinlalato

ako ang mandirigmang manglilipol ng tanga
sige lumapit kang kaunti at sapul ang yong ang panga
dapat sayo tinutumba, iwanan kang nakanganga
ilalambitin ka sa mataas naming sanga

lahat ng binitawan ko na liriko’y eksakto,
at singbigat ng litro coke sa inyo lang ay sakto,
kami ang mga bagong lalabag ng yong batas,
kami ang syang papasok at kayo ang lalabas

kundi mo trip pakinggan ang all star sa pag-atake
uwi ka ng bisaya magtanim ka ng kamote
kami’y pinalakas upang lumawak ang balwarte
tabing lahat kayo at bawal dito ang maarte

Mike Kosa:

ah! isang puganteng kriminal na kung gumalaw ay propesyonal
isang talino ng makatang masasabing orihinal
mula pagsulat ng tula, pagkanta, at pagtanggal
ng ilang kalaban ko kapag ako ang nagtanghal

sa entablado na aking itinuturing na palasyo
pinagharian ang tunog at musikang aking binisyo
isang salita na mag-mamarka dito sa kasaysayan
na ang karangalan ay sadyang itinalaga sa king pangalan

bibitbitin sa mahabang panahong pamamalagi
na di mabilang at masukat ang aking naibahagi
na pang-hawakan ang talento na aking tinataglay
upang mapaabot sa lahat ng taga-subaybay

na meron pang natitira, meron pang humihinga
na makatang may pangarap na di pwedeng ikansela
sabihin mo sa’kin kung lahat ng to ay di totoo
Mike Kosa ang responsable at Pamilyang Lhirikoh