Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (28 votes, average: 4.46 stars)
Loading...

Tagumpay Nating Lahat – Lea Salonga Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tagumpay Nating Lahat – Lea Salonga

Ako’y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang timyas ng perlas ng silangan
Nagniningning sa buong kapuluan

Taglay ko ang hiwaga ng silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging timog, hilaga at kanluran
Ang pilipino ay namumukod

Refrain:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko’y tagumpay nating lahat

Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa sama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating

Ang iba’t ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan

Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko’y tagumpay nating lahat
Hangad ko’y tagumpay nating lahat

Videokeman Search