Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Oo – KZ Tandingan Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Oo – KZ Tandingan

‘Di mo lang alam, naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
‘Di mo lang alam, hanggang sa gabi
inaasam makita ka muli

Nagtapos ang lahat sa ‘di inaasahang
panahon at ngayon ako’y iyong iniwang
luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan
Sana nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam
Sana’y nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan
Baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal na panahon
Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa ‘yo

Lumipas mga araw na ubod nang saya
‘Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
Kung ako’y nagkasala, patawad na sana
ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

Oh, ‘di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana’y ako naman
‘Di mo lang alam, ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, ‘di mo lang alam

Kahit tayo’y magkaibigan lang
bumabalik lahat sa t’wing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako’y nandito lang, hindi mo lang alam
Matalino ka naman

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
sa laro na ito ay dapat bang sumuko?
Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
kung alam ko lang ako’y iyong masasaktan nang ganito,
sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko

‘Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
O baka sakali lang maisip mo naman
Puro siya na lang, sana’y ako naman
‘Di mo lang alam, ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayan
Hindi mo lang pala alam, oh oh ooh

Malas mo
ikaw ang natipuhan ko
‘Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan