Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (16 votes, average: 2.88 stars)
Loading...

Tatlong Bibe Rap – Kwek Kwek Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tatlong Bibe Rap – Kwek Kwek

Yung unang bibe na aking nakita
mataba at tamad laging nakahilata
kain lang ng kain buong araw
tapos ang mga pagkain inaagaw
lamon ng lamon “hanggang tumaba
parang bola yung katawan nakakauwa
bilog na bilog at napakalaki
masarap yakapin pag natutulog sa gabi
pag hinawakan ang lambot
nakakapawi talaga ng mga lungkot
dabest talaga yung bibe number 1
kala mo stuffed toy parang laruan

Yung pangalawang bibe ko na nakita
sobrang payat kala mo wala nang hita
parang kalansay kala mo buto na
konting ihip ng hangin lilipad na
parang tingting ganon na kapayat
wala nang laman puro nalang balat
hindi ko na alam ang gagawin dito
kapag binenta mo ay lugi negosyo
sobrang payat nya nakakailang
parang ang sarap nyang kantahan ng
buto kalansay tabi tabi po sa bangkay
lulubog lilitaw sasaradong hukay

Yung ikatlong bibe, yun ang leader ng lahat
magaling siyang mamuno ginagalang siya ng pangkat
dapat lang siya na tularan dahil siya ay matalino
mabait at mapagkumbaba pa siya kahit kanino
di mo kakikitaan, ng masamang ugali
ganyan dapat ang lider, ganyan dapat palagi