Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 4.11 stars)
Loading...

Sa Piling Mo – Kristoffer Martin (Alyas Robin Hood Ost) Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sa Piling Mo – Kristoffer Martin (Alyas Robin Hood Ost)

Kahit na ano pang problemang magdaan
sa buhay kong ito na mayroong pagkukulang
mga panahong dumaan at lumipas na
Di ko alam kung saan magsisimula
Suliranin ng buhay na aking dinadala
Parang larawan na tila di ko maipinta
Sana’y muling lumitaw ang katotohanan
sa mga bagay na hindi ko maintindihan

Ako’y babangon basta’t tayo’y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Chorus
Sa piling mo makakayanan ko
lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso’t isipan aking ipaglalaban
Basta’t ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay
Para sa’yo

Anumang pagsubok ang aking tatahakin
Taas noo buong tapang kong susuungin
May kaagapay na hindi na dapat mangamba
kahit ano pa ang sabihin ng iba
Dati’y sumuko dahil puso’y sugatan
Galos ng kahapon ay aking napaglabanan
Dahil ako ay kumapit sayong mga bisig
Alang alang sa ngalan ng pag ibig

Ako’y babangon basta’t tayo’y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa

Chorus
Sa piling mo makakayanan ko
lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso’t isipan aking ipaglalaban

Basta’t ako ay may kasama
Alam kong meron pang pag-asa
Basta’t ako ay may karamay
Iaalay ang buo kong buhay para sa’yo

Chorus
Sa piling mo makakayanan ko
lahat ng hamon aking malalampasan
Para sa’yo
Di papatalo, di ako palilinlang
Puso’t isipan aking ipaglalaban
Para sa’yo