Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Paano – Knobby Ft. Mian Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Paano – Knobby Ft. Mian

Tila itinadhana ng panahon na pagtagpuin
Upang maging disenyo ng aking buhay at mahalin
Dahil sa iyong itsurang kaaya-aya
Isang anghel na lahat ay kayang ipaubaya
Anim na buwan kitang sinuyo ang niligawan
Ngayong hawak na ang kamay mo ay di bibitawan
Para bang pag kasama ka ay nililipad sa langit
At tanging tinig mo ang nakapagbuo ng awit
Saking isipan hanggang patuloy ko’y ikaw
Ang nagpainit ng mga gabi kong maginaw
Simula non ay wala na kong naging ibang hangad
Kundi pasiyahin ka lang hanggang tayo’y magkaedad
Para kang bulaklak at ako ang paru-parong dumapo
Na mag-aalaga sa buo mong pagkatao
Ngunit sa isang iglap relasyon natin ay lumabo
Sa mga mata ko ay para kang ulap na naglaho

Chorus:
Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula?
ang tanong ng aking puso

Siguro nga ay hindi talaga ikaw at ako ang syang nakatadhana
Dahil kung ikaw yon siguro hanggang ngayon ay masagana
Tayo’y matiwasan walang problemang kaakibat
At lagi lamang akong nakaakbay sayong balikat
Ngunit bakit ang laging tanong saking isipan di mabura
Para ako’y paikutin mo lamang sayong kamay at iwanang mag-isa
Akala ko ba isa kang anghel pero balat kayong may itim na pakpak
Wala naman akong ginawang masama para isukli mo sakin ay pag-iyak
Ngayon ay hindi ko alam kung saan tutungo ang mga paa
Para hanapin ka’t mahagkan ko at sabihin na mahal na mahal kita
Di ka na mabura saking isipan na para kang naging isang bangungot
Di ko na din alam kung pano pa ko makakabangon at muling makalimot
Laging alak na lamang ang naging karamay sa tuwina
At kung babalik ka pa malamang nga ay hindi na
Salamat sa mga araw na kay saya natin
Hiling ko na lamang na ang pinaramdam mo sakin ay huwag mong danasin

Chorus:
Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula?
ang tanong ng aking puso

Sana nga ay masaya ka na sa piling ng iba
Gusto ko lang sabihin na ang dibdib ko ay nabuo na sa pagkagiba
At buhat ng lokohin mo ako ay mas lalong tumatag
Hindi katulad mo na patalikod kung lumaban at duwag
Oo inaamin ko hindi lang naman ikaw ang may pagkukulang
Pero sana kinausap mo muna ako ng masinsinan
Hindi yung agad agad na parang linta kana sa kanya kumakapit
Kaya ka pala sakin umiiwas sa tuwing lalapit
Nagulat na lang ako nung minsang kasama kita ay may tumawag
Sayo na ibang lalake sana naman ay hindi ka pumayag
Na makapasok sating relasyon na matagal ko ng pinag-iingatan
Kahit na nag-aayaw tayo ni minsan di kita pinagbuhatan
Ng kamay dahil nga ikaw ay aking nirerespeto
Kahit na para sa akin ay multo ka na lang sa litrato
Oo maginhawa na ko’t napag-isip isip ko na
Sa larangan ng pag-ibig di na magpapakatanga

Chorus:
Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula?
ang tanong ng aking puso

Ngayon na wala ka na sa piling ko
Paano na mga pangarap na pinaplano at ating binuo
Paano at saan magsisimula ang tanong ng aking puso