Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (19 votes, average: 4.63 stars)
Loading...

Sabihin Mo Sa Akin – Klarisse De Guzman Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sabihin Mo Sa Akin – Klarisse De Guzman

Ang tunay bang pag-ibig ay mayroong mukha
Ang puso ba’y saan tumitingin
Ang mga ulap ba ay dapat kong hawiin
Upang maglaho ang dilim na bumabalot sa akin

Pag-ibig ba ay may kinikilingan
Namimili ba ng dapat mahalin
Anong kailangan kong gawin upang
Pag-ibig ay maramdaman kahit lang saglit

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba ay kakaiba
Sa kanilang paningin

Ako ba ay may pagkukulang
Na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila
Na wala sa akin

Ba’t parang kay bilis nilang nakita
Pag-ibig na inaasam nila
Ba’t kay tagal ko nang naghihintay
Ngunit tila walang dumarating
Kung ‘di malamig na hangin

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba ay kakaiba
Sa kanilang paningin

Ako ba ay may pagkukulang
Na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila
Sabihin mo sa akin

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin
Ako nga ba ay kakaiba
Sa kanilang paningin

Ako ba ay may pagkukulang
Na dapat mapunan
Ano ba ang mayroon sila
Sabihin mo sa akin…