Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 1.67 stars)
Loading...

Trip Mo Lang Ako – K.i & Kiyomi G Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Trip Mo Lang Ako – K.i & Kiyomi G

1st Verse: K.I

Di ko alam bakit mo ikinatutuwa
na pagtripan ako wala kaba na magawa
palage mo na sinasabi na ako’y mahal mo
di mo ba alam sa sinasabi mo ay umaasa ako
kahit alam ko na ito’y kabulaanan
di mo ba alam na ako ay nahihirapan
tama bang sabihin mo na ika’y ipaglaban
kung ang pag-ibig mo sakin parang trip mo lamang
at walang katotohanan damdamin ko ay lagi mo nalamang pinaglalaruan
ang gusto kong relasyon natin ay makatotohanan
hindi yung laging biro ayoko ng masaktan
wag mo nalang sana sa akin na sabihin
kung hindi mo naman talaga ako kayang ibigin
masasaktan mo lang ako
sa twing damdamin ko ay pinagtitripan mo

Chorus: Kiyomi G
Alam kong TRIP MO LANG AKO,
kunwari lang na gusto
ang nais ko ay seryoso
at hindi manloloko
wag mo ng paasahin, ang aking damdamin
laruan lang ba ako sayo

2nd Verse: K.I

Alam mo ba sadyang mahirap ang umasa
sa pag-ibig nating dalawa
di ko maisigaw na ika’y mahal ko
pagkat nakakaloko naman talaga
para bang ikinatutuwa mo pang nahihirapan ako
ano ba talaga, tunay kong halaga,
nais kong malaman dahil totoo na to
ang aking mga nararamdaman na para bang wala lang,
sayo na para bang hindi makatotohanan
hindi ko naman pinipilit ang sarili ko
basta magsabi ka lang sakin kung anong totoo
ayoko lang naman kasing ginagawang laruan
ang puso ko’y hindi sanay na makipagbiruan
at pwede ba na wag na wag mo lang akong pagtripan
pagkat ang nais ng pag-ibig ko’y pang matagalan
sana ay maisip mo, nais ng pag-ibig ko
laruan lang ba ako sayo
hindi mo ba napapansin, nasasaktan ang damdamin
sa twing pinagtitripan mo

(Repeat Chorus) x2
Alam kong TRIP MO LANG AKO,
kunwari lang na gusto
ang nais ko ay seryoso
at hindi manloloko
wag mo ng paasahin, ang aking damdamin
laruan lang ba ako sayo