Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Pa-Fall – Kian Dionisio Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pa-Fall – Kian Dionisio

Wag mo kong tititigan
na parang meron tayong kinabukasang dalawa
Wag mo kong hahawakan
na parang hindi ka bibitaw pa sakin sinta

Hindi kita mapapatawad
pag ang puso ko ay nalalaglag
At di mo manlang sinalo’t
hinayaang mabasag
kaya wag…

Wag mong katokin ang puso
na nananahimik kung ikaw ay dadaan lang
Wag mong sayangin ang aking ngayon
kung mawawala ka din pala kinabukasan

Hindi kita mapapatawad
pag ang puso ko ay nalalaglag
At di mo manlang sinalo’t
hinayaang mabasag
kaya wag…

Di ko kailangan ng ngiti
na pansamantala
Di ko kailangan ng haplos
na mapapasa iba
Di ko kailangan ng yakap
na para bang bula
Di ko kailangan ng pag-ibig
na nawawala oohhh…

Wag kang lumapit
Wag mong titigan
Baka di kayanin
At mapagbigyan
Ang aking pusong
Uto-uto
Kaya’t kung pwede ikaw na ay lumayo

Wag na wag ka nang lumapit
Lumayo ka na sa akin
Wag na wag ka nang lumapit
Lumayo ka na sa akin

Videokeman Search