Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Pag Ibig – Lil Death,Kejs Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pag Ibig – Lil Death,Kejs

diba sabi ko naman sayo ang pag-ibig.
liwanag mo sa dilim,kahit dimo hanapin nandyan parin.
sa pusong umaasa
naliligaya ka,kahit simpleng buhay lang
basta kaya mong panagutan ang pag-ibig

madali lamang sabihin salitang mahal kita.
ang malaking tanong ay kung mapapanindigan mo ba
baka kapg nasaktan ka ay biglang aayaw ka na
baka kapag nagsawa ka biglang humanap ng iba
pag-ibig anu nga bang tunay mong kahulugan
baka kapag inisip pa takasan ng katinuan
pag ibig yan ba yung kayang hamakin ang lahat
nakakayanin tiisin ang buaht kahit mabigat
sabi pa nila pag nagmahal kayang magbago
pero sabi din nla dapat tanggap nya kung ano
ang totoo kung sino kung anong gusto nya
mas importante pa kung anong sasabihin ng iba
meron bang tamang o mali meron bang dapat at hindi
meron bang bawal at pupuwede teka muna sandali
ang mundo daw ay umiikot dahil sa pag mamahal
papano mo ba malalaman kung hindi ka susugal

diba sabi ko naman sayo ang pag-ibig.
liwanag mo sa dilim,kahit dimo hanapin nandyan parin.
sa pusong umaasa
naliligaya ka,kahit simpleng buhay lang
basta kaya mong panagutan ang pag-ibig

sabi ng aking ina an gpagibig ay mahiwaga
nagiging malaks ka kahit gano ka kahina
yung dating imposible nakakya mong gawin
kahit na magmukang tanga ay hindi mo iindahin
masarap daw main love lalo nasa umpisa
sa tuwing maaalala mo’y nangingiti ng mag isa
pero pag nataposna gusto na nya sayong mawalay
masasabi mo nalang parang ayoko ng mabuhay
pag tunay kang magmahal ay kaya mo raw mag paraya
diba dapat ipag laban bakit mo papaubaya sa iba
pano kung mahal nyo ang isat-isa
isusuko mo nalang ba dahil nahihirapan ka
ang pagibig ay pagibig hindi maipaliwanag
ng ilan basta mo lang daw yun mararamdaman
naka handa ka o hindi sa ayaw man o gusto mo
ay merong darating na tao na nakalaan para sayo

diba sabi ko naman sayo ang pag-ibig.
liwanag mo sa dilim,kahit dimo hanapin nandyan parin.
sa pusong umaasa
naliligaya ka,kahit simpleng buhay lang
basta kaya mong panagutan ang pag-ibig

ang pagibig nasa utak lang daw wala sa puso
kabiguan ay magsisilbi daw na iyong guro
para mas tumibay ka sa mga susunod pang hamon
kahit madapa muli ay madali ng makabangon
mahirap ang makalimot lalo na kung ayaw mo
bitawan an nakaraan na syang sanhi ng kalungkutan mo
bakit manghihinayang kung ikaw mismo sinayang
ng taong di marunong magpahalaga ano ang sayang
kung sinong apat umibig sya ang laging luhaan
pero hindi ibig sabihin na sya na ang talunan
sino ang tunay na tanga yun bang niloko o nanloko
sino bang nabubulagan yung iniwan o nang iwan
o pag ibig anung meron ka parang masisiraan na
ikaw daw dahilan kung bakit lahat ay sumasaya
minsan msusugatan ka gusto mo ng sumuko
pero sa huli pag ibig di ang gagamot sayo

(2x)
diba sabi ko naman sayo ang pag-ibig.
liwanag mo sa dilim,kahit dimo hanapin nandyan parin.
sa pusong umaasa
naliligaya ka,kahit simpleng buhay lang
basta kaya mong panagutan ang pag-ibig

Videokeman Search