Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (8 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Isang Tanong Isang Sagot – Kaye Cal Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Isang Tanong Isang Sagot – Kaye Cal

Isang tanong, isang sagot
Wala na ngang ikot-ikot
Gusto ko lang liwanagin
Ako ba’y mahal mo rin?

Nakita ko sa kilos mo
Na may tibok rin ang puso
Wala ka lang sinasabi
Bitin tuloy ako

Ang hirap naman ng lagay ko
Di pwedeng mauna sa’yo
Kailan ko ba maririnig
Na ‘kin ang ‘yong pag-ibig?

Refrain:
Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng ‘yong damdamin?
Kapag inamin mong ako’y mahal mo
Hanggang langit ang lundag ko

Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng ‘yong damdamin?
Kapag inaming mong ako’y mahal mo
Hanggang langit ang lundag ko

Bawat araw na magising
Pag-ibig ko’y lumalalim
Hangga’t hindi mo aminin
Lalong nabibitin

Sa lambing na napapansin
At lagkit ng iyong tingin
Ano pa bang iisipin
Sa ibig sabihin?

Tapusin mo na nga ang pag-ikot
Ng isipan at puso ko
Ngayon sana ay marinig
Na ‘kin ang ‘yong pag-ibig

Refrain:
Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng ‘yong damdamin?
Kapag inamin mong ako’y mahal mo
Hanggang langit ang lundag ko

Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng ‘yong damdamin?
Kapag inamin mong ako’y mahal mo.
Hanggang langit ang lundag ko

Videokeman Search