Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Paminsan Minsan – Kawago Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Paminsan Minsan – Kawago

Ooh
Hey yeah hey hey
Huh ha
Huh ha
Ooh

So I decided to myself na iwanan na kita
Di na kita mahal bakit nagpupumilit pa
Paminsan-minsan na nga ‘ko kung magpakita
Wag kang magsumamo at iba na’ng nasa puso
Umaasa ka pa rin na tayo pang dalawa
Open your heart at buksan ang dalawang mata
Kahit harap-harapan na kitang pinagtaksilan
Ba’t di mo magawa na ako ay sumbatan
Sa ginagawa mong yan ako sayo’y nakokonsensya
Kaya paminsan-minsan tuloy naaalala
Kaya I write this song para ialay ko sayo
Kasi ang tulad mo sa akin nagpakaloko
Binigyan ng atensyon ang sabi mo ay di sapat
Hindi ko kayang ibigay sayo lahat lahat
Salamat na lang sayong pagmamahal
And then you find another guy sana kayo ay magtagal

Paminsan-minsan ang alaala mo’y nagbabalik
At aaminin ko hanggang ngayon ika’y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasan ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan minsan lang

Ah! Pilitin ko man na ibalik ang nakalipas
Pagmamahal na binigay di mo pinalagpas
Kahit dulot nito sa puso mo ay paghihirap
Sakin bale wala ang lahat ng yong pangarap
Damdamin mo’y hirap tuwing ako ang kaharap
Sa sarili di maamin bakit sayo ko pinalasap
Labis na pagsisisi bakit ikaw pa’y na pa sakin
Ang puso kong bato iba sayo naging hangarin
Naalala ko pa rin laging bitin ka sa aking piling
Pagmamahal mo’y labis sa Diyos ko hiniling
Ngayon ika’y malayo sana ako’y mahal pa rin
Yan ang aking dasal at sana ay iyong dinggin
Pagkat di ko malimot pagmamahalang kay tamis
Na pinagsaluhan at dinama ng labis labis
At sa yong pagbabalik bukas ang puso ko’t isipan
Asahan mo girl hindi ka na mahihirapan

Paminsan-minsan ang alaala mo’y nagbabalik
At aaminin ko hanggang ngayon ika’y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasan ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan minsan lang

Buksan ang isip puso at iyong damdamin
Huwag mo ng naisin na ako’y hanap hanapin
Di ka na sa akin ng ako ay talikuran
Mas piniling lumayo at ika’y mangibang bayan
Sa Japan sabi mo doon ka aasenso
Kumpleto ang lahat mabibili nais na luho
Gumuho pag-ibig ko’y biglang naglaho
Mga ilang buwan nang ikaw ay lumayo
Ni tawag at sulat walang dumarating
Kaya tuloy ako babe laging naglalasing
Buti na lang ito’y aking nakayanan
Pag-ibig mo sa akin walang hinantungan
Ngayon paalam na wag ng babalik muli
Pag nagmahal ako ayoko ng magkamali
Dahil kung una ako sayo ay nabunggo
Ayoko ng maulit na ako ay mabigo

Hinihiling ko na kahit nasan ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang
Nasan ka man ngayon
Isipin mo ako kahit paminsan-minsan lang

Videokeman Search