Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (11 votes, average: 4.55 stars)
Loading...

Ibong Ligaw (Juan Dela Crus Ost V2) – Juana Cosme Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ibong Ligaw (Juan Dela Crus Ost V2) – Juana Cosme

paano pa kaya tatanggapin ng puso ko?
mula ng sakin ay sabihin mong ‘di na ako
ang syang nilalama’t tinitibok ng puso mo
gumuho ang lahat pati ang pangarap ko

umasa ng anong tagal dahil akala ko
ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
malilimutan ko pa ba ang pighating ito
ngayong tuluyan na ika’y wala sa piling ko

Chorus:
ibong ligaw ang tulad ko
ang puso’t isip ay lito
saan ako patutungo
nagdurugo ang puso ko
nabali ang mga pakpak
bigong-bigo dahil ako’y iniwan mo

mayroong mga gabing mga mata’y di mapikit
pati ang diwa ko ay bakit di na maidlip
paglimot sa iyo’y hindi pa rin masumpungan
sarili ay tinatanong bakit nagkaganyan

umasa ng anong tagal dahil akala ko
ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
malilimutan ko pa ba ang pighating ito
ngayong tuluyan na ika’y wala sa piling ko

Chorus:
ibong ligaw ang tulad ko
ang puso’t isip ay lito
saan ako patutungo
nagdurugo ang puso ko
nabali ang mga pakpak
bigong-bigo dahil ako’y iniwan mo

ibong ligaw ang tulad ko
ang puso’t isip ay lito
saan ako patutungo
nagdurugo ang puso ko
nabali ang mga pakpak
bigong-bigo dahil ako’y iniwan mo

Read more: http://www.lyricsprint.com/out/ibong-ligaw-juana-cosme/#ixzz2c6Ri5xlI