Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 4.93 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Bakit Ngayon Ka Lang – Juan Thugs ‘N’ Harmony

Napakagulo nang mundo hindi mo nalalaman biglang
Binabago nya na lamang ang lahat ng nasa kapaligiran mo
Bakit ba naman kasi ngayon ka pa dumating kung kelan meron na kong kapiling
Hindi ko akalain muli pa kong mapapalingon at sa iyo ngayon
Ako’y nabighani kahit na pag-aari ang puso ko nang iba
Iba ka parin talaga kaysa sa kanya
Dapat ko ba na ikaw ang ibigin giliw
Dapat ko na rin ba syang limutin dahil
Dati pa kitang pinapangarap hinahanap-hanap
Pero hindi kita natagpuan kaya nabaling nalang sa iba
Kung alam ko lang na muli kang magbabalik tiniis ko na kahit na mainip
Handa kong maghintay makasama lang kita lahat gagawin
Ikaw sana ngayon ang syang kasama ko
Aking kahawak kamay at yakap-yakap ko…

Chorus:

Bakit Ngayon Ka Lang bakit ngayon lang dumating
Ang binibini na karapat-dapat kong ibigin
At hindi sa piling nya dahil sayo ko ninanais
Kaya Bakit Ngayon Ka Lang kung kelan meron ng umaangkin
Sa puso ko na nais na ikaw ay makapiling
At hindi sa piling nya dahil sayo ko magiging tunay na masaya…

2nd Verse:

Puso ko’y iyong pinukaw ng ika’y aking masilayan
Dahil lang naman sayo ako’y nagkaganto
Isip ko’y gulong-gulo ako ay umiibig sayo
Nalaman ko na sana pero hindi ka dito sanay
Hihintayin kita kahit pa na matagal ako ay mag-aabang dahil sayo’y liligaya
Handa akong magtiis ngunit Bakit Ngayon Ka Lang dumating
Kung pwede lamang sana akong humiling
Na ika’y aking makasama dito sa buhay ko
Ikaw na ang tinitibok nitong damdamin ko
Ako ay biglaang nakadama nang ligaya sa tulad mo
Binibining biglaan na dumating kung kelan meron na akong kinakasama
Aking nadarama na ikaw ba dapat ko na makapiling at hindi ang tulad nya
Panginoon sino sa kanila alam ko na kasalanan ang ibigin ka
Pilit kang inaalis saking isipan napakahirap hindi ko magawa
Ano ba ang dapat ayaw kitang mawala
Sana ako’y managinip magkaroon ng himala
Na tayong dalawa sa paraiso’y magkasama…

Repeat Chorus:

Bridge:

Mas hindi ko sya kayang saktan
Kung maaari lang na maging dalawa rin ang puso ko
Para sana’y mapagbigyan ng hindi na ako nahihirapan
Kahit na ikaw ang mas matimbang
Sana nakilala na kita dati pa lang sana nakilala kita na dati pa lang dati pa lang
Eh di sana tayong dalawa ang magkasalo sa pagmamahal…

Repeat Chorus 2x