Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (149 votes, average: 4.45 stars)
Loading...

Di Ka Man Lang Nagpaalam – Juan Karlos Labajo Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Di Ka Man Lang Nagpaalam – Juan Karlos Labajo

Umalis ka na pala
Iniwan mo akong nag-iisa
Lahat nama’y tila ba maayos mula sa umpisa
Masaya ang bawat sandaling kasama kita
Ngunit biglang isang umaga
Paggising ko’y wala ka na
Naglaho kang parang bula
Hindi alam kung bakit lumisan ka
Nag-iisip ng malalim kung anong nangyari satin
Nababahala, baka di ka na bumalik sa aking piling

Chorus:
Dahil ikaw
Ang syang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko’y
Di magbabago pinapangakong
Maghihintay sayo

Napatulala
Inaalala ang ating nakaraan
Binabalik balikan ang dating tagpuan
Baka sakaling naron ka’t
Naghihintay, Nalulumbay
Kasabay nang pagbuhos ng ulan
Pagpatak ng luha’y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan

Chorus:
Dahil ikaw
Ang syang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko’y
Di magbabago pinapangakong
Maghihintay sayo

At sandaling tumigil ang mundo ng malaman ko ang totoo
Na hindi ka na babalik sa piling ko

Chorus:
Dahil ikaw
Ang syang kailangan ko
Magpakailan pa man
Asahan mong pag-ibig ko’y
Di magbabago pinapangakong
Maghihintay sayo

Videokeman Search