Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (10 votes, average: 4.10 stars)
Loading...

Larawan – JRoa Ft. Flow G Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Larawan – JRoa Ft. Flow G

Tanging larawan, tanging larawan,
tanging larawan mo
Tanging larawan, tanging larawan,
tanging larawan mo

Tanging alaala mo na lamang bang tanging hawak ko
at ang mga matatamis na yakap at halik sa tuwing ika’y kasama ko
Dina ba talaga mababalik ang nag daan kailangan ba muli ikaw ay na hagkan
At bakit ba kailangan pang lumisan at bumitaw sa pagkakahawak mo

Refrain:
Sa totoo lang hirap na hirap na kong isipin kung paano ka bumalik saking muli
pagod na pagod narin akong piliting limutin ang pagka sawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan ang mayakap ka ay walang ka siguraduhan
Kung may isang hiling at mapag bibigyan ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

Chorus:
Tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko
at kahit anong gawing limutin ka hindi maalis sa isip ko
ang tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko
at sa pagdating ng tamang oras ay muling mararanasan ko na mahawakan mo
Tanging larawan, tanging larawan mo Ohhh ohhh
Tanging larawan, tanging larawan mo

Parang kailan lang nung huli kang makausap
Parang kailan lang ngayon naka tingala sa ulap
naghahanap ng sagot sa bawat katanungan
nag mumukmok umiiyak habang yakap ang unan
Ngayon hindi ko na alam kung saan kukuha
ng lakas upang bumangon dahil nga wala ka na

Refrain:
Sa totoo lang hirap na hirap na kong isipin kung paano ka bumalik saking muli
pagod na pagod narin akong piliting limutin ang pagka sawi
Wala ba talagang katapusan ang masaktan ang mayakap ka ay walang ka siguraduhan
Kung may isang hiling at mapag bibigyan ang tanging nais ko ay ang muli kang mahagkan

Chorus:
Tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko
at kahit anong gawing limutin ka hindi maalis sa isip ko
ang tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko
at sa pagdating ng tamang oras ay muling mararanasan ko na mahawakan mo
Tanging larawan, tanging larawan mo Ohhh ohhh
Tanging larawan, tanging larawan mo

Flow G:
Umalis ka para iwan ako nag paalam ka at pag-alis mo
Hindi ko alam kung papano ako mabubuhay ng wala ka sa tabi ko
Marami pa sana akong gustong iparating na mga saloobin
Oo mananatili ko sakin ang masakit lang di ka na makaka piling
Sino ba dapat sisihin tadhana ba dahil pinutol aking ligaya
O ang katulad mo sinanay akong masaya pag ikaw ay kasama
Ngayon papano na kung wala ka na ano bang paraan ang magagawa
Nakakapagod na rin makiusap makinig ka naman at magsalita
Alam mo ba sa ngayon ay hirap na hirap na ako
Nakaka panghina alam kong naka paligid ka sakin palagi
Kaso di ka nag papakita napaka daya mo buong akala ko hanggang sa
Huling hininga ay kasama kita at ka hawak kamay kaso paano na yun kung nauna ka na
Mahal na mahal kita pakiusap bigyan mo ako ng lakas ng loob
Para kayanin ang bawat pagsubok na nagdadala ng lungkot at puot
Gusto kitang makasama mayakap ka man lang at mahalikan
Kaso papano pa yun mangyayari kung tulad mo ay isang larawan na lang

Chorus:
Tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko (tanging hawak hawak ko)
Kahit anong gawing limutin ka hindi maalis sa isip ko (hindi maalis sa isip ko)
Ang tanging larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko (tanging hawak hawak ko)
At sa pagdating ng tamang oras ay muling mararanasan ko ang mahawakan
Larawan mo na lamang ba ang tanging hawak hawak ko larawan mo wala ng iba
At kahit anong gawing limutin ka hindi maalis sa isip ko
Ang tanging larawan mo na lamang ba ang tanging larawan mo na lang baby at
Sa pagdating ng tamang oras ay muling mararanasan ko na mahawakan mo
Tanging larawan, tanging larawan mo
Ohhh ohhh
Tanging larawan, tanging larawan mo
Ohhh ohhh