Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (20 votes, average: 4.55 stars)
Loading...

Tunay Na Kaibigan – Jphilly Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tunay Na Kaibigan – Jphilly

araw araw di nauubusan ng kwento
naalala mo pa ba lahat lahat sa kanto
habang may gitara umiikot pa ang baso
meron tinatagay kahit na walang trabaho
o diba dito natin natutunan ang mga
kalokohan natin di ko maiwasan matawa
mga araw na parang di na matatapos
ang mga problema ko na ikaw ang umayos
di alam ng iba kung ano ang meron tayo
pag akoy nadadapa ikaw ang aking tagapayo
ang mga sikreto mo hanggang ngayon nakatago
di ka nakakalimot kahit napaka layo
kamusta ka na ba? ayos ba tayo dyan?
sana minsan maalala kong mapadaan
ito ang tunay na kaibigan
maasahan kung kailangan ng sandalan

Chorus:
Di ko malimutan ang lahat ng naranasan
mga luha ata tawanan ating pinagsasaluhan
at ngayon lumipas na ang panahon
di na tayo tulad nun, nagbago na lahat (lahat lahat)

at ewan ko nalang kung pwede kalimutan to
di ba dito natin natikman lahat ng una mo
first time makick-out, first time na kiss
yung fresh na binalot ko di mo ba miss
yung una mong tato, at yung una mong syota
yung unang beses nasaktan at lumuha
yung una mong ka eyeball, yung first puff ng yosi
yung first song ng eheads at green dep sa party
how could we forget ang lahat ng alaala
gusto na tumambay, na kayo’y kasama
dun sa ilalaim ng puno ng sampalok
meron boteng umiikot na punong puno ng usok
at hanggang sa tumilaok ang manok dun lang tayo uuwi
kahit na mahirap ang buhay para sa atin madali
araw-araw nakatambay at wala kang problema
kung may pera o wala tayo’y magkakasama

Chorus:
Di ko malimutan ang lahat ng naranasan
mga luha ata tawanan ating pinagsasaluhan
at ngayon lumipas na ang panahon
di na tayo tulad nun, nagbago na lahat (lahat lahat)

pero parang ang bilis naman yata
di na tayo bata, kamusta ka na ba
nakalimot ka na yata
mayaman ka na ba o nasa amerika
text mo lang ako kaso baka busy ka
asan na ang tropa pwede simulan nato
parang basketball yung Ginebra nami miss ko to
naalala ko sa dami ng problema
pag akoy nadadapa ikaw ang sumasalo
tunay na kaibigan palaging may suporta
di mabibibli kahit na libo-libong pera
meron o wala nandyan lagi pag kailangan mo
salamat sa lahat ng kwentuhan nami-miss koto

Chorus:
Di ko malimutan ang lahat ng naranasan
mga luha ata tawanan ating pinag-sasaluhan
at ngayon, lumipas na ang panahon
di na tayo tulad nun, nagbago na lahat (lahat lahat)
(kamusta na?)
Di ko malimutan ang lahat ng naranasan
mga luha ata tawanan ating pinag-sasaluhan
at ngayon, lumipas na ang panahon
di na tayo tulad nun, nagbago na lahat (lahat lahat)