Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Sanip – Jmakata Feat. Dionne of Ch4rmd Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sanip – Jmakata Feat. Dionne of Ch4rmd

SANIP

1st verse:

Nung unang masilayan natanaw ko ang kagandahan
Ngunit halata sa matang may problemang nagsasampalan
Luntian ang kulay ng luha na pumapatay habang
May multong nagbalat sibuyas kaya aking tinapatan ng bawang

Naligo ka ng papuri saking bibig kahit na tinulak
Papalayo, masyado pa bang maaga tinanong ko si Muhlach
Puso’t isip ay mapusok, sa galak ay akin ng binusog
Inalila ng masa dahil ang kanyang kolorete ay putok

Puro gera ang nasa ulo, ang utak malapit na maging bomba
Apatnapungaraw lumuha parang kapanahunan ni Noah
Kumakapit na sa sahig habang sa pagibig sabik
Lubog na ang mata niya parang araw kapag ala-sais

Di na nasipat ang hangin parang ang mundoy kulob
Hinanap ko dun sa burol ngunit may kidlat at kulog
Tanong sa isipan ay pano nangyari’t bakit?
Mahal kita ika’y kumapit kaibigang matalik (Sanip)

Hook:

Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw
Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw

2nd verse:

Pusturang dukha ngunit sa likod may tinatagong yaman
Sa’yo umikot aking araw hawak ko kalendaryo ng Mayan
Limang nanliligaw sa’yo paniguradong gahaman
Pinatay nila si Ara dahil nawalan sila ng Galang

Parang nahulog sa langit na walang sumalo: Bulalakaw
Tinubuan ng bungangaraw dahil mabunganga raw
Kaydami ng pinangako lumuhod pa sa harapan
Araw-araw ka nilang binababoy di sumunod sa ramadan (ugh)

Nilapa ng poot sa pook kung san madugo
Pakiramdam ay marupok nasubsob sa mga tunog
Na nililikha ng mga dila, sinumpa ay gabundok
Mala Sharon Cuneta dahil parang batang musmos

Napitas na ang prutas ng puno mong mabunga
Ilang buwan na kong nagpapansin parang ikaw si Luna
Tanong sa isipan ay pano nangyari’t bakit?
Mahal kita ika’y kumapit kaibigang matalik (Sanip)

Hook:

Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw
Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw

Bridge:

Pinulutan ang galit balak iwanan lahat
Durog na durog na ang puso at ang utak ay tadtad
Pinulutan ang galit balak iwanan lahat
Durog na durog na ang puso at ang utak ay tadtad
Pinulutan ang galit balak iwanan lahat
Durog na durog na ang puso at ang utak ay tadtad
Lahat ng plato ay basag, lahat ng luha nalaglag
Ang aking puso ang kukumpleto sa kulang na sangkap

3rd verse:

Hinalay sa tuwa, bumigay natumba
Inalay sa buddha, umakay papunta
Sa wastong ruta ngunit tumagay na muna
Bawat galos mo sa inunan lumatay sa punda

Nagbubulagbulagan mismo ang mga kapitbahay
Nagku-krus mga mata naging duling parang si Sunshine
Tanong sa isipan ay pano nangyari’t bakit?
Mahal kita ika’y kumapit kaibigang matalik (Sanip)

Hook:

Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw
Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw

Videokeman Search