Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Mahal – Jhomajikero Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Mahal – Jhomajikero

I
ano ang nagawa kong pagkakamali mahal
para ako’y iyong saktan
may problema ba sa akin para akin nang baguhin
please sabihin mo naman

ang puso kong tapat na sadyang umiibig sa’yo
ang mga pagkakataon na hinihiling sa’yo

refrain:
wag mo sanang pagtabuyan ang katulad kong
nagmamahal lang ng tulad mo
sana ay pakinggan mo ang puso kong
walang ibang sinisigaw kundi pangalan mo

chorus:
ang pag-ibig mo ang hinihiling ng puso
patawarin mo, ako’y nagsusumamo
di mo ba pansin lahat ng ginagawa ko
ikaw ang siyang mahal, walang iba kundi ikaw (mahal)

II
ayokong mawala ka dahil kailangan kita
sa bawat oras ng
pagtibok ng aking puso ay naaalala ko
lahat ng nakaraan

mga masayang samahan, na hindi matumbasan
mga kalungkutan at tampuhan na naiibsan
pag ikaw ang siyang kasama ko
lumulundag itong puso

ngunit anong nangyari? bigla kang nawala
ano ang aking nasabi? ba’t mo ito nagawa?

(repeat refrain and chorus)

bridge:
wala nang iba pa (ikaw ang siyang mahal)
hindi ko maintindihan (ang nararamdaman)
ano ang dapat kong gawin (upang iyong malaman)
na mahal kita, mahal na mahal kita

Videokeman Search