Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Hindi Ako Magbabago – Jhomajikero Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hindi Ako Magbabago – Jhomajikero

sa bawat araw na nagdaraan ikaw lamang palagi
ang nasa isip ko na sana nga’y iyong mawari
ang pag-ibig kong tapat at wagas sa pagsinta
bitbit ko ang pangako hanggang sa king gunita

laging laman ka ng papel sa pagsulat ng tula
inspirasyon ka mahal dahil sa puso’y nagmula
ang pagmamahal na to, di na kayang hadlangan
kahit pa ang salapi ay hindi kayang tumbasan

at kung ikaw man ang ligayang isinugo sa pagsuyo
anghel kang ituturing at bantay ng aking puso
sa pagabot mo ng kamay ko lang nakalaan
sa palad ko, nakaukit ay nag-iisang pangalan

na ikaw, ikaw na naggabay sa pagtawid
at mahulog man ako pag-ibig di mpapatid
akin ding pababatid,ang pagod ay wala sa akin
at iingatan ang pag-ibig kong di babaguhin

chorus:
alam mo bang mahal na mahal kita
ikaw ang siyang lahat sa buhay ko aking sinta
ang puso ko kahit sinaktan mo
hinding-hindi pa rin ako sayo

II
at muli kong idinilat ang aking mga mata
sa bukang liwayway na sisimbulo ng pagsinta
na inalay ko noon , buhat pa nung cmula
na ikaw ang iibigin hanggang sa king pagtanda

pagkat pangarap ko sa buhay matatag na pundasyon
bumuo ng sang pamilya’t masayang relasyon
sa king imahinasyon, na kala ko’y matutupad
bumagsak aking pangarap, di na ko nakalipad

sa king, natuklasan isang gabing wala ka
hindi ko akalain ang pag-ibig mo’y wala pa
doo’y hinanap kita, tambayan natin jan sa kanto
hanggang sa akoy sumukot nagkulong na lang sa kwarto

pinaasa lang pala gamit ang mga ngiti
sino na ang gagamot, sa aking mga hikbi
at wala ng nagawa tuluyan mo na Kong nilisan
ang luhaang mata habang hawak ang yong larawan

chorus:
alam mo bang mahal na mahal kita
ikaw ang siyang lahat sa buhay ko aking sinta
ang puso ko kahit sinaktan mo
hinding-hindi pa rin ako sayo

III
Ang tadhana nga naman hindi natin madiktahan
kahit di mo hiniling gumagawa ng paraan
nang minsan ay nagkabanggan at patungo sa palengke
akoy natulala at puso koy walang nasabi

hanggang sa tinawag ka ng isang lalaki sa tabi
umakbay bigla sayo, at nawalan na ng silbi
ang pagkakataon na sana na ikaw ay kausapin
ngunit biglang lumisan ka, pano ko pa sasabihin

na mahal na mahal kita, wag ka na sanang umalis
gusto ko sanang agawin ka dahil di matiis
na ikaw ay nariyan, at akoy naririto
habang tinititigan ka, papalayo sa tabi ko

kung ikaw ay maligaya sa kanya aking mahal
ay tatanggapin na lang pag-ibig na di nagtagal
ngunit akoy mananatili at hindi ako magbabago
salamat sa pag-ibig mo, ako’y iyong binago

chorus:
alam mo bang mahal na mahal kita
ikaw ang siyang lahat sa buhay ko aking sinta
ang puso ko kahit sinaktan mo
hinding-hindi pa rin ako sayo

magbabago