Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Bagong Simula – Jhomajikero Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bagong Simula – Jhomajikero

bagong araw na naman simula na ng pagbangon
tatapak kang muli ngayon sa buhay ng paghamon
isang simula na karugtong din ng kahapon
matatapos ang araw kasabay ng ‘yong pag-ahon

at gigising kang muli sa hudyat ng simula
hahakbang ka pataas dahil galing ka sa baba
abutin mo ang minimithing pangarap mo sa buhay
lahat ng naranasan mo ang siyang magpapatunay

ang pagod at hirap ‘yan ang yong nakamit
kasabay nang pagtulo ng pawis sa iyong damit
kung nasunog man ang ‘yong balat sa init ng araw
lahat ng to’y lilipas ang dilim ay mapapanaw

naghihintay sa’yo ang liwanag sa taas
umabante pasulong at wag na wag kang aatras
at isipin mo ang mga dinaanang pagkatalo
dahil ito ang susi sa minimithing panalo

Refrain:
di ka nag-iisa, isipin mong may karamay
sa paglakad sa dilim mayroong aalalay
wag mapagod ang iyong puso magtiwala sa sarili
na maabot mo rin ang minimithing pangarap

Chorus:
sa bagong simula ay mayroong bagong pag-asa
‘sang bagong tao na haharap sa bagong laban
sa bagong simula taglay ang ‘sang bagong lakas
na magdadala sa’yo tungo sa bagong wakas

II
nabilang mo na ba ang mga dapat lampasan
na pagsubok na ilan taon mo nang pinapasan
nadapa ka man dati ay pinilit mong tumayo
lumapit ka sa hamon di mo pinilit lumayo

sa daanan mong tila ang dulo ay walang hangganan
aakyat ka sa bahay na tila walang hagdanan
kung pa’no abutin itong tuktok ng imposible
makuha sa tiyaga para ito’y maging posible

ang pagod at hirap mo ay maiibsan
di ka na hahamakin di na muling pipintasan
ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata’y huhupa
masdan ang ‘yong mga paang umaangat sa lupa

patungo sa tinatahak mo na gintong medalyang
magdadala sa’yo doon sa may bagong pag-asang
naghihitay sa’yo para pawiin ang hikbi
isang bagong simula na bitbit ang bagong ngiti

Refrain:
di ka nag-iisa, isipin mong may karamay
sa paglakad sa dilim mayroong aalalay
wag mapagod ang iyong puso magtiwala sa sarili
na maabot mo rin ang minimithing pangarap

Chorus:
sa bagong simula ay mayroong bagong pag-asa
‘sang bagong tao na haharap sa bagong laban
sa bagong simula taglay ang ‘sang bagong lakas
na magdadala sayo tungo sa bagong wakas

Bridge:
bumangon ka, bumangon ka
abutin mo ang pangarap mo sa buhay
umahon ka, umahon ka
at darating sa’yo ang pag-asa

bumangon ka, bumangon ka
abutin mo ang pangarap mo sa buhay
umahon ka, umahon ka
at dadaloy sa’yo ang ginhawa

Chorus:
sa bagong simula ay mayroong bagong pag-asa
‘sang bagong tao na haharap sa bagong laban
sa bagong simula taglay ang ‘sang bagong lakas
na magdadala sayo tungo sa bagong wakas

Videokeman Search