Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Bitter – Jewel & Matteo Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bitter – Jewel & Matteo

Ako’y nahihirapan na sa mga nangyayari sa isip ko hindi mawari ano ba talaga sa akin ang nangyayari
Ako’y sobrang nahihirapan na sinta ngunit para saan lahat pinaglalaban pa kita
Ako na ang iniwanan mo ikaw na pangarap ko iniwanan mo ako
Paano ko sisimulan nasira nang nakaraan
Mahirap para sakin ang bigla mo akong palitan
Hinalimbawa ko ito nung mga araw na tayo ay pinagtanto
Na para bang mga kalat-kalat na letra sa puso ko na lamang nabuo
Iniisip ko pa lamang niloloko mo ako ay kinakain na ako nang sobrang katangahan ko
Kasi hindi ako naniwala sa iba na ang minamahal ko raw ay may kinakasama na…

Sinasaktan mo ako lahat naman ay ginawa ko sayo (ginawa ko para sayo)
Ngayon masaya na ako sa ginagawa ko na ito
Ang limutin ka ay hindi sadya kasalanan mo kaya ako nagkaganto
Ngayon lahat naglaho na pati ang ala-ala mo tinuruan mo ako
Ang kalimutan ka na isang bagay sakin naglaro
Kay sama nang tadhana tayo pa ay pinagtagpo
Mahirap man pero kinakaya ko nasasaktan pa nga ako pag narinig ko ang pangalan mo
Ayoko na kasing maibalik mga nakaraan nagdulot sakin ng hapdi at lungkot
Na bumabalot sa paligid mo nasasaktan ang puso ko pasok ka sa isip ko naiinis ako…

Sa kabila nang lahat nasasaktan parin ako kasi hindi ko matanggap
Sorry,mahal ko ang hinihiling ko ninanais ko na marinig ko na magmula sa iyo
Ang mga salitang magmula sa puso mo yan lang ang tanging hiling ko sayo…

Kaya ko ‘to na kailangan talaga na kalimutan ka
Kailangan kong sabihin sa sarili ko na hindi kana talaga sakin mahalaga
Nang dahil sa iyo ay ako ay natuto na malimot ko ang bumalewala sa puso ko
Pilitin ko mang alisin saking isipan ni hindi ko magawa ako lang ay napaluha lang
Lalo’t pagkat ngayon kana mawawala ako’y masasaktan kung tuluyan ang paglayo
Hindi ko na malaman ang mga kasagutan sa mga nangyayari at mga mangyayari
Lalo lang nasasaktan dahil sating nakaraan
Kailangan man kita sinta ngunit may iba kana
Ayos lang basta ika’y masaya sa kanya …

Sa kabila nang lahat nasasaktan parin ako kasi hindi ko matanggap
Sorry,mahal ko ang hinihiling ko ninanais ko na marinig ko na magmula sa iyo
Ang mga salitang magmula sa puso mo yan lang ang tanging hiling ko sayo…