Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (26 votes, average: 4.38 stars)
Loading...

Iniwan Mo – Jes-Hustla Feat. Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Iniwan Mo – Jes-Hustla Feat. Curse One

Bakit ba binitawan mo ang kamay ko
ngayon ako’y nag-iisa’t nagmumukmok sa isang sulok ng mundo
Ba’t Iniwan Mo? tuluyan ka ng lumisan,
tuluyan mo na akong iniwan, iniwanan mo…

Sa pagpikit ng dalawang mata kasabay ang pagpatak ng luha
hindi nadarama ang pighating aking nakuha
sa relasyon na ating binuno at pinaghirapan
hindi ko lubos maisip hahantong pa sa sukdulan.
Ang pag-iibigan nating pinagtibay ng mahabang panahon
ngayon naglulugmok at hindi na makabangon
ang pagmamahalang kaytagal natin na iningatan
ngayon Iniwan Mo at tuluyan mo ng nilisan.
Dahil ba sa mga kwentong iyong mga narinig
hindi mo na pinagbigyan boses ko’y hindi na dininig
unti-unti ka ng lumalayo, mundo ko’y gumuho
ng hindi kita matanaw tuluyan ng naglaho.
Ikaw ba ay sumuko sa ating mga pagsubok
O ang pagtingin sa akin ay sadya nga lang nagbago.
Asan na ang mga pangakong iyong mga binitawan
hindi ka magbabago at hindi mo ko iiwan…

Bakit ba binitawan mo ang kamay ko
ngayon ako’y nag-iisa’t nagmumukmok sa isang sulok ng mundo
Ba’t Iniwan Mo? tuluyan ka ng lumisan,
tuluyan mo na akong iniwan, iniwanan mo…

Naaalala ko ang bawat gabi na kaylamig
na tanging langit at tala lamang ang nakikinig
sa pagsambit na mahal mo ko at hindi yun magbabago
kailanman ang pag-ibig mo hindi maglalaho.
Matatamis na salita nagmula sayong bibig
sumasaya ako kapag lagi ko ‘tong naririnig
na ako lang ang nag-iisang gusto mong makasama,
gusto mong makausap at gusto mong makayakap.
At tayong dalawa lamang ang magbubuo
ng mga pangarap natin dito sa isang mundo
kung saan mamumuhay tayo ng walang alinlangan
tahimik ang pag-ibig at puro pagmamahalan.
Nakikita ko ang liwanag para sating dalawa
na binigay ng Maykapal tayo ay mapag-isa
pero biglang nagdilim at hindi ka makita
ikaw ba ay lumayo O biglaan lang nawala…

Bakit ba binitawan mo ang kamay ko
ngayon ako’y nag-iisa’t nagmumukmok sa isang sulok ng mundo
Ba’t Iniwan Mo? tuluyan ka ng lumisan,
tuluyan mo na akong iniwan, iniwanan mo…

Bakit ba aking mahal, mahal O bakit ba
hinayaan mo ako, Iniwan Mo kong mag-isa
sobrang napakasakit ang hirap magpanggap
ang pagkawala mo sakin ay hindi ko matanggap.
Sa pagkapit ng mga palad mo sa aking kamay
ikaw ang bumitaw, ikaw na ang mismo na bumigay
hindi ako mapakali isip ko’y nawiwindang
utak ko ay magulo para bang nabubuang.
Nakaupo sa isang sulok wala kong makasama
basang-basa ng pawis, mata ay tulala
nililipad ng hangin ang aking pag-iisip
hindi ako makahinga pusong ‘to’y naninikip.
May mga katanungan na gusto kong malaman
ito ang hinihiling gusto ko ng kasagutan
aking mahal, bakit biglaan mo ako nilisan
bakit mahal, bakit biglaan mo kong iniwanan…

Alam kong mahirap ng ibalik pa sinta, nasan ka na ba
ako’y nananabik sa iyong halik
bakit ba nagkaganito, tayong dalawa’y nagkalayo
diba’t ako at ikaw lang
ang magsasama dito sa mundong ito yan ang sumpaan
na itinaga ko na kahit alam mong makasalanan ang katulad ko
ay ikaw pa rin ang binibigkas ng puso ko,
pagmamahal mo sakin inabuso ko at isisiniwalang bahala.
Ngayon ako’y nagsusumamo sa pag-ibig mo
nagmumukmok sa isang sulok ng mundo
wala na ba akong puwang sa puso mo.
Tuluyan mo ng iniwan at pinagpalit sa iba
masakit man sakin ang lahat ng ito
sana lang sumaya ka sa piling nya mahal…

Bakit ba binitawan mo ang kamay ko
ngayon ako’y nag-iisa’t nagmumukmok sa isang sulok ng mundo
Ba’t Iniwan Mo? tuluyan ka ng lumisan,
tuluyan mo na akong iniwan, iniwanan mo…