Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (11 votes, average: 4.09 stars)
Loading...

2 Timer – Jes Hustla and Mhyre Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of 2 Timer – Jes Hustla and Mhyre

hindi mo man lang sinabi na ahhh
meron pala akong ibang kahati…
sa puso mo pala ay dalawa ahhh
parehas kaming nag mamay-ari….

ako’y nagising sa isang umagang tila walang yumayakap
haplos mo nba dati na mahigpit sa akin nakalapat
sa buwan na ika-apat ang araw di na sumikat
maayos na silid noon ngayon naging makalat
at tila wala ng balak tumayo hirap ng mabuhat
ang katawang na sa kama na nalunod na sa alat
kahapong nagdaan di pa malinaw ang lahat
mga matang nakapikit na pinipilit maimulat
habang tangan ko ang bote ng alak na walang laman
ilang buwan ko ng ganyan,nag lasing ka na naman
paikot-ikot sa kukote ano ba mga nangyari
di na matandaan bangag sa alak ang sarili
hanggang ang tama gumaan lumiwanag ang lahat
unti-onting natandaan ang sabi mo di na sapat
pumapasok na sa utak kataga mo pumupunit
na di mo na ko mahal dahil may iba kang inibig

hindi mo man lang sinabi na ahhh
meron pala akong ibang kahati…
sa puso mo pala ay dalawa ahhh
parehas kaming nag mamay-ari….

halos di ko na tanda sa dami ng mga tanong
tumanda na ang tanging tanda ay tandang pananong
ilan gabi ko ng pinilit hanap yakap mong mainet
ilang kape na ang ininet sa gabi para mag inet
ng maramdaman mapawi ang lungkot at maibsan
na dating halik mo lamang at yakap sa katawan
buhat ng merong nalaman mismo sa iyong kapatid
tila binuro sa tagal lingid na merong kaapid
taguan ang nilaro nyo ako ang taya
sige mahal tumalikod magbilang hanggang isa
dalwa tatlo apat limang beses nyong ginawa
sa pagitan ng ako at syang ikaw ang sa gitna
tama na tamang hinala o isang maling akala
na tumama ang hinala ang hinala ko pala tama
palihim nyong ginawa na sapak saking mukha
parang boksengerong southpo magaling kumaliwa

hindi mo man lang sinabi na ahhh
meron pala akong ibang kahati…
sa puso mo pala ay dalawa ahhh
parehas kaming nag mamay-ari….

akoy nabulag sa pag ibig
na ninais maimulat sa katotohanang
totoong kailangang pahilomin ang mga sugat
ng hindi na umiyak pumatak bumagsak luha saking mata
na dapat sana ikaw ang nagpunas pero gumawa ay iba
kailangan ng burahin ang mga tandang pananong
at katananungan bagay kung bakit namuo sa puso ang
puot magagalit tinalikuran ang lahat ng pansarili
mo ang hari ng durugin inuwi panakip puso makaganti
ka lang sakin pero di mo rin naisip ang tunay na kalagayan
na parang hinukay ang lupat ninaon mo sa libingan
na binalot ng dilim walang aninag ng liwanag
nababalot sala sakin puso sana ay panatag
ni hindi maklabas maktayo o makabangon
pero pipilitin kong nasa iba ako umahon
at kasamang alaalang di na pwedeng buksan kaya kung nasaan
kaman mag-iingat ka sana dyan

hindi mo man lang sinabi na ahhh
meron pala akong ibang kahati…
sa puso mo pala ay dalawa ahhh
parehas kaming nag mamay-ari….