Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (29 votes, average: 4.38 stars)
Loading...

Buko (Female Version) – Jehaziel Alburo Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Buko (Female Version) – Jehaziel Alburo

Naalala ko pa
Nung ako’y nililigawan mo pa
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang aking ngiti
At ako’y sasabihan
Bukas ng ala syete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo

Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komyunikasyon
Maghihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang BUhay KO.

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na’ko marinig
Ikaw parin, ang BUhay KO

Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin ay iyong susungkitin

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na’ko marinig
Ikaw parin..

Araw-araw kitang aawitan
aalagaan ka lagi
ikaw’y iingatan,
at iibigin ka lagi

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Pumuti man ang mga buhok ko
ohhhh…

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko

Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na’ko marinig
Ikaw parin, ang BUhay KO