Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (41 votes, average: 4.51 stars)
Loading...

Ang Huling El Bimbo – Jay Durias Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ang Huling El Bimbo – Jay Durias

Kamukha mo si Paraluman
No’ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

REFRAIN 1
Pagkagaling sa ‘skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

CHORUS
Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso kong
umibig na tunay

Naninigas aking katawan
kapag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng ‘yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo’y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, hooh

REFRAIN 2
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit ‘di na uso ay ito lang ang alam ko wooh

CHORUS
Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso kong
umibig na tunay

Lumipas ang maraming taon
‘Di na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita, hah

REFRAIN 3

Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

CHORUS
Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso kong
umibig na tunay

CHORUS
Magkahawak ang ating kamay
at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso kong
umibig na tunay

CODA
La la la la, la la, la la, la la la [2x]

Videokeman Search