Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Milagro – Jason Dy Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Milagro – Jason Dy

Alas-tres ng umaga, dilat, tulala, nagising, naalimpungatan
Bumulong sa bituing makinang; hiniling ko sa buwan at baka lang pagbigyan
Masama ba namang pangarapin na tayong dal’wa ang magkatuluyan
O mapanaginipan

Sa ‘king mundong may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana, nagbabaka-sakali
Nang biglang may nangyari

Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ng tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro

Madalas, madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba malamang ang damdaming nararamdaman
Alapaap sa layong pangarap ang aking dasal na pagmamahalan
‘Di ko kayang labanan

Sa ‘king mundong may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana, nagbabaka-sakali
Nang biglang may nangyari

Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ng tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro

Sa ‘king mundong may kulay pa ang bahaghari
Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari
Magkadugtong sana, nagbabaka-sakali
Nang biglang may nangyari

Parang nabuksan ang bintana ng langit
Parang nag-iba na ang ihip ng hangin
Nang pinagbigyan ng tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro

Woh-oh-oh, milagro
Woh-oh-oh, milagro
Nang pinagbigyan ng tadhanang sarado, sagrado
Parang may nangyaring milagro

Madalas, madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba malamang ang damdaming nararamdaman
Madalas, madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan
Na ikaw at ako ay iba malamang ang damdaming nararamdaman

Videokeman Search