Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Lahat – Jason Dy Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Lahat – Jason Dy

ohhhh oh yeah…

Para bang isang kanta
Na di matapos tapos
Di mahuli ang melodiya
Bawat letra ay kapos
Mabagal ang bawat galaw
Walang kagana-gana
Ang mga diskarte ay hilaw
Palpak lahat walang tumama

Ang buhay ko’y sablay
Pag di ka naka-alalay
Pero pag nandito ka
Lahat nag-iiba
Araw ay gumaganda

Sa piling mo ang kalahati ay buo
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo, oo

Ang sarap sarap ng feeling
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat Lahaaat
Lahat Lahat Lahaaat

Para bang pelikula
Punong-puno ng drama
Sobrang boring ng eksena
Kapag hindi kita kasama
Ang buhay ko’y bitin
Pag hindi kita kapiling
Pero pag nandito ka
Lahat nag-iiba
Araw ay gumaganda

Sa piling mo ang kalahati ay buo
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo, oo

Ang sarap sarap ng feeling
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat Lahaaat
Lahat Lahat Lahaaat

Parang nga bang himala
Ang bad trip ay nawawala
Problema’y kayang kaya na
Sa piling mo

Sa piling mo ang kalahati ay buo
Lumalaki ang kapiraso
Gumagaan ang mabigat
Dumadali kahit mahirap
Ang kulang ay napupuno
Lumilinaw kahit na malabo
Kumpleto sakto mismo ang pag-ibig mo, oo
Ang sarap sarap ng feeling
Sa piling mo ay nasa akin
Ang sarap sarap ng feeling
Sa piling mo ay nasa akin ang lahat
Lahat Lahaaat

Videokeman Search