Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (11 votes, average: 4.36 stars)
Loading...

Kahit Umiwas Pa – Jake Vargas Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kahit Umiwas Pa – Jake Vargas

Di maintindihan ng puso kong ito
Nang nakita ka muli ito’y napahinto
Naaalala pa ating kahapon na
Kay saya at kay ganda ng pagsasama

Tanging ikaw lang sa puso’t isipan ko
Pilit limutin man kita ako’y nabibigo
Umibig man muli di magwawagi
Tamis ng halik aking minimithi

Koro
Kahit umiwas pa ikaw pa rin sinta
Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko
Higpit ng yakap mo laging inaasam
Di na malilimutan magpakailan man

Di ko masabi ang aking nadarama
sapagkat ako’y limot mo na
At nawala na rin dating pagtingin
At tuluyan nang isinara ang puso mo sa akin

Kahit na sabihing mayroon ng iba
Di mapipigilan ang nadarama
Maaasahan mo ako’y maghihintay
Ang pag-ibig ko sa iyo’y walang hanggan

Koro
Kahit umiwas pa ikaw pa rin sinta
Ang siyang hinahanap-hanap ng puso ko
Higpit ng yakap mo laging inaasam
Di na malilimutan magpakailan man

Videokeman Search