Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Luningning – Jaco Benin Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Luningning – Jaco Benin

Isang umaga, nakita kang naglalakad sa may kalsada

Dala-dala, karga-karga ang iyong maleta

Bakit nga ba; ano’ng problema, hah

‘Di mo sinabi kung saan ka pupunta

Biglang pumara ng bus patungong Maynila

Ako’y lumuha habang hinahabol kita

‘Di ko kinaya dahil ako’y naka-paa

Luningning, buong araw kay dilim kung wala ka sa ‘kin

(Hanap-hanap kita ‘pag ika’y wala)

Parang guguho ang mundo; bumalik ka, giliw

Luningning

Tao’y lumipas; nagpagupit, nagpa-ahit sa may barberya

Humahango si Mang Gusting, may dalang balita

Do’n sa Maynila, siya’y may nakita, hah

Do’n sa Malate, nakita niya si Luningning na mahal sa akin (na mahal sa akin)

Siya’y may kasama nang iba na mukhang turista (na mukhang turista)

Luha’y gumilid sa mata dahil ako ay ipinagpalit niya sa iba

Luningning, buong araw kay dilim kung wala ka sa ‘kin

(Hanap-hanap kita ‘pag ika’y wala)

Parang guguho ang mundo; bumalik ka, giliw

Luningning

Luningning, saan ang pangako mo noon sa akin

(Hanap-hanap kita ‘pag ika’y wala)

Paukit-ukit ka pa diyan sa puno ng saging ng pangalan natin

Luningning (Luningning)

(Hanap-hanap kita ‘pag ika’y wala)

Luningning (Luningning)

Videokeman Search