Videokeman
Send "Princesa – Itchyworms" Ringtone to your Mobile
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (46 votes, average: 4.87 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Princesa – Itchyworms

Princesa – Itchyworms

Mula noong ako’y nag-umpisang maglakad
Tila may kumpas ang bawat hakbang
Natutong sumayaw sa sariling paraan
Sa bawat tugtog na alam
Hindi naman sa ako’y nagmamayabang
Kelan ma’y hindi pa na kampihan
Mahusay madala at tila napakagaan
Sa hangin parang lumulutang
Maraming kapareha na sa akin nagdaan
Pagkatapos ng tugtog nalilimutan
Ngunit ng makita siya sa sayawang ito
Nanlambot ang tuhod, at naturete na pati paa ko.

[REFRAIN]

Panaginip kita, mahal na princesa
Disin sana’y makapareha
Ibibigay ko, pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka, mahal na princesa

Dahan-dahan nilapitan ang dilag na ito
At mapormang sinayaw sa gitna
Umikot ng umikot at nakakahilo
Lahat ng tao’y tulala
Iisa ang kapareha sa buong magdamag
Di ko siya mapagod at hindi matagtag
Di ko maiwanan at di rin mabitawan
Tuloy-tuloy ang kapit
Hanggang sa mauwi na sa simbahan

(REPEAT REFRAIN)

Mula noong kami’y sa simbahan naglakad
Magkasama na sa araw at gabi
Mayrong ilang mga supling na ngayo’y nadagdag
Na sumayaw na rin sa tabi…

Videokeman Search