Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (18 votes, average: 4.61 stars)
Loading...

Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nag-mamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob

Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa

[refrain]
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ang isipin na lang na ang buhay
Kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami’y kasama mo

Kung sa pag-ibig may pinag-awayan
Kung salapi ay huwag ng pag-usapan
Tayo’y ‘di nagbibilangan

Kung ang problema mo’y nagkatambakan
At mga utang ‘di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan

[repeat refrain]

Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan
Sa iyo ay may nakalaan

Kami’y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan

Kasama mo
Kasama mo
Kasama mo

Videokeman Search