Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Hanggang Ngayon – Inozent One, Kraysiz & Tuglaks Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hanggang Ngayon – Inozent One, Kraysiz & Tuglaks

Hindi ka maalis sa isip, sa damdamin ko
Bawat panahong dumaraan lagi kong pinaglalabanan ang
Puso ko’t isip na parang hindi sakin
at pa’no lilimutin ang pangalan ng isang
Babae na nagturo sakin pa’no magmahal
at nangako na damdamin ko’y hindi nya sasaktan
Ba’t biglang naglaho ang pag-ibig
parang panaginip na pinutol ng pagising mo
Agad mo rin bang nalimutan mga ala-ala
tayong dalawa’y magkasalo sa isang pangarap
at hindi ko inakalang ganito pala
Ako’y iiwanang mag-isa at magdurusa…

Hanggang Ngayon (Hanggang Ngayon)
Hindi parin malimot ang kahapon
Saya dinulot mo nang ikaw ay makilala
Lungkot na iniwan mo simula nang mawala ka
Bakit ba Hanggang Ngayon ay hindi ka mabura
Sa damdamin ko’t isip ay ala-ala pa kita
Bakit hinihiling na sana ay bumalik
Dahil mahal na mahal parin kita Hanggang Ngayon…

Kahit na alam ko narin na mayroon ka nang iba
Ay hindi hadlang para sayo ako ay mag-iba’t umasa (umasa)
Nag-iba man ang ihip ng hangin
Nawalan ng halimuyak na dulot ng ating
Pagmamahalan na inabot na nang kaytagal
Mga sumpaan na saksi ang maykapal
Pangalan mo parin ang sinasabi
Nang aking labi kaya hindi ko mawari
Ang aking gagawin upang ika’y bumalik
Hanggang Ngayon mahal parin kita…

Hanggang Ngayon (Hanggang Ngayon)
Hindi parin malimot ang kahapon
Saya dinulot mo nang ikaw ay makilala
Lungkot na iniwan mo simula nang mawala ka
Bakit ba Hanggang Ngayon ay hindi ka mabura
Sa damdamin ko’t isip ay ala-ala pa kita
Bakit hinihiling na sana ay bumalik
Dahil mahal na mahal parin kita Hanggang Ngayon…

Hindi ka maalis sa isip,sa damdamin ko
Para sayo ay gagawin lahat kahit masakit man sa damdamin ko
Bakit ba patuloy parin alipin ko
Pag-ibig nating dalawa mga lumilipas na kahapon (kahapon)
Binabalikan ngunit hanggang ala-ala ka nalang
Dumadaan parin palagi sa aking isipan
ang mga sinabi mo kailanma’y hindi na mababali ohhh
Pangako sa isa’t-isa ngunit kapalit ay luha
hindi na makakita nang pag-asang babalik ka pa
Pinipilit mang humanap ng iba
ang puso ko’y nasanay na sa piling mo
Pa’no na ngayon ako’y nag-iisa nalang
para bang hindi ko na makakayanan
Bakit mo ba nagawang ako’y iwanan, sumama sa iba
sana hindi ka nya paluhain at ika’y ingatan…

Hanggang Ngayon (Hanggang Ngayon)
Hindi parin malimot ang kahapon
Saya dinulot mo nang ikaw ay makilala
Lungkot na iniwan mo simula nang mawala ka
Bakit ba Hanggang Ngayon ay hindi ka mabura
Sa damdamin ko’t isip ay ala-ala pa kita
Bakit hinihiling na sana ay bumalik
Dahil mahal na mahal parin kita Hanggang Ngayon…2x