Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 3.67 stars)
Loading...

Kung Ikaw Lang Ako – Imelda Papin Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kung Ikaw Lang Ako – Imelda Papin

Kung akin lang ang kayamanang ngayon ay nasa sayo
Masusunod lahat ang bawat hangarin ko
Bawat isang naghahangad ng ligayang tulong mo
Ay bibigyan kung ikaw lang ako

Biyayang nakamit yan ay tanging para sayo
Dulot ng Maykapal dapat ay pagyamanin mo
Mga kapus-palad sa hirap ay hanguin mo
Masusunod kung ikaw lang ako

Kung ikaw lang ako
Mga munting pangarap ay magkakatotoo
Huwag mong ipagkait pag-asang nasa’yo
Tapunan ng pansin dukhang katulad ko

Kung sana’y pabalik ang pagtakbo ng orasan
Kahapong nagdaan kung sana’y darating pa lang
Marahil ay malalaman mong ang buhay ay ganyan
Magbigay ka’t ikaw ay bibigyan

Kung ikaw lang ako
Di ko matitiis na may maghirap sa mundo
Buksan ang palad mo pag-asa’y nasa’yo
Ya’y aking gagawin kung ikaw lang ako

Kung ikaw lang ako
Mga munting pangarap ay magkakatotoo
Huwag mong ipagkait pag-asang nasa’yo
Tapunan ng pansin dukhang katulad ko

Kung ikaw lang ako
Hindi ko papayagan na may maghirap sa mundo
Buksan ang palad mo sila’y tulungan mo
Ya’y aking gagawin kung ikaw lang ako