Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 4.75 stars)
Loading...

Pa'No Yon – Herbert Colangco Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pa'No Yon – Herbert Colangco

Sana nga ang puso ko
Ay kaya kong buksan
Madali kong masasabi
Ang nararamdaman
Sana ay makita mo
Ang siglang nadarama
Maligaya lagi ako
Kapag kasama kita

CHORUS:
Paano ko sasabihin? “Ikaw ang tanging mahal ko”
Paano ba sinasabi? “Ibigin mo ako”
Paano ba magtatapat ang isang tulad ko
Pa’no ‘yon? Pa’no ba? Pa’no to?

Sana ay ‘yong marinig
Ang sasabihin ko
Sa panaginip lang lagi
‘Yon lang ang kaya ko
Sana’y mapansin mo rin
Kahit maghintay ako
Hindi mo lang kasi alam
Buhay ka ng buhay ko

CHORUS2:
Paano ko sasabihin? “Ikaw ang tanging mahal ko”
Paano ba sinasabi? “Ibigin mo ako”
Paano ba magtatapat ang isang tulad ko
Na ang tanging pangarap ay mahalin ako
‘Wag mo sanang tanggihan pusong nagmamahal
Pangarap ko’y magmahalan tayo kailan pa man
Paano ko sasabihin na minamahal kita?
Pa’no ‘yon? Pa’no na? Pa’no ba?
Pa’no ‘yon? Pa’no na? Pa’no ba?

Paano ko sasabihin? “Minamahal kita”

CHORUS2:
Paano ko sasabihin? “Ikaw ang tanging mahal ko”
Paano ba sinasabi? “Ibigin mo ako”
Paano ba magtatapat ang isang tulad ko
Na ang tanging pangarap ay mahalin ako
‘Wag mo sanang tanggihan pusong nagmamahal
Pangarap ko’y magmahalan tayo kailan pa man
Paano ko sasabihin na minamahal kita?
Pa’no ‘yon? Pa’no na? Pa’no ba?
Pa’no ‘yon? Pa’no na? Pa’no ba?