Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 4.80 stars)
Loading...

Ala-Ala ( It Hurts) – Hazel Faith Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ala-Ala ( It Hurts) – Hazel Faith

Ang mga pinangako mo
ay tuluyang naglaho
Para bang wala lang
siya’y hinalikan mo, oh

Pati na ang mga ngiti
ay hindi na sa akin
Marahil uulitin mo
sa kanya, gaya ko, oh

Nahuli na nga ba ang lahat?
Ang pagmamahal ko’y di sapat?
Kausapin mo ako
ano man sabihin mo
Tunay ang ating naramdaman
Bakit di natin mabalikan?

Ako lang ba ang nasasaktan?

Nagbago na ba tayo?
Di na ba ako ang
nasa puso mo?
Ako’y nangungulila
sa lahat ng ala-ala

Para bang walang halagang
Minasdan aking luha
Kung magsalita’y parang
di nabahala

Di mo man lang tinatago
na hindi na ako
Sabi mo’y “Paalam na.
Ako ay kalimutan mo.”

Nahuli na nga ba ang lahat?
Ang pagmamahal ko’y di sapat?
Kahit di katotohanan
ako ay ‘yong pagbigyan, ah~
Pipilitin ko ang ngumiti
Kahit mag-isa na ‘kong muli

Ako lamang ang nasasaktan

Nagbago na nga tayo
Di na nga ako ang
nasa puso mo
Ako’y nangungulila
sa lahat ng ala-ala

Ikaw nga ay tuluyang nagbago
Dahil ang minahal ko’y hindi ganito
Di niya ko sasaktan
Nanatili lang
sa lugar habang
Ika’y tuluyan
nang lumisan

Hindi na kita makilala
Di na saiyo
(Bakit ka nagbago? Paano na tayo?)
Hindi na ko sa iyo
(Bakit ka nagbago? paano na tayo?)
Hindi na ko sa iyo
(Bakit ka nagbago? paano na tayo?)
Hindi na ko saiyo
(Bakit ka nagbago? Di na ba paglalaban ‘to?)

Oh, ito ba ang
katapusan?
Di mo na ba ako
ipaglalaban?
Ako’y nangungulila
sa lahat ng ala-ala

Ala-ala
Ala-ala

Videokeman Search