Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (15 votes, average: 4.73 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Kaibigan Lang – Hambog

nakatambay ako syempre gawaing binatilyo
ako ay nag-iisa at hawak ko ay sigarlyo
at bigla kang dumaan at ako’y napatingin
tumayo akong bigla na para bang may nais hingin
(ano kaya yun?)

hmm siguro numero, di ko alam ang gagawin
bigla akong natuliro huminga ko ng malalim ang loob nilakasan
ang nadadamang kaba sa katawan nilampasan
itinanong sayo miss, miss teka lang anong pangalan mo?
sabi mo naman (bakit at ano naman sayo?)
sabi ko ulit sayo gusto ko lang malaman
baka pwede naman ate sayo makipagkaibigan
ang sagot mo sakin..

sus, yun lang naman pala eh!
walang probleman dun basta’t nandyan ka lang palagi
pag ako’y nalulumbay maaasahan ba kita?

ang sagot ko sa iyo syempre naman ako pa? huh

alam mo? di mo pa alam,
kasi ngayon ko pa lang sasabihin eh (hehehe)
bkit nung una pa lang kitang nakita
hinablot mo na kagad ang puso ko
hindi ka naman snatcher di ba?
bakit kaya?
isa pa ano bang meron sayo na kakaiba
na hindi ko makita sa iba
kaya simula nung oras na yun,
pinangako ko sa sarili ko na iingatan kita
ako ang magiging soulja boy mo
habang buhay, para sayo…

kaya…
simula nun tayo’y naging matalik na kaibigan
bantayan alagaan ka aking kinahiligan
pag sayo’y may manliligaw ika’y kokontakin
tatawagan ka nila at aking kokontrahin

dadating ang manliligaw ko na may sasakyan

wag kang sumama sige ka, ang puso mo wasak yan

eh ang sabi nya wala pa syang nagiging kasintahan
marami ng naloko yan oh eto ang listahan

hindi ko masabi ang nasa damdamin
na parang gusto kong ika’y mapasakin
naalala ko nuon ako ay tinitigan
ako’y naiinlove ngunit aking pinipigilan

ano kaya itong nadadama sayong mata ako’y nadadala
minsan nga gustong sabihin sa iyong mahal kita
kaso baka sagot lang sakin

wag ka ngang magpatawa tse!

yan! yan ang dahilan kung bakit di ko inaamin sayo
kase kaibigan lang, kaibigan lang
ang ranggo ko dyan sa puso mo
tingin mo lang sa akin, ganon lang
pero ako iba na ang nararamdaman ko para sayo

hoy! iba na ang nararamdaman ko para sayo (hehehe)
naalala ko tuloy nun, isang araw nagkita tayo sa tambayan
may sasabihin sana akong matindi sayo
kaso umatras na naman ang dila ko (hehehe)
ganito ang nangyari nun eh,
ganitong ganito ha!
okey pakingan mo

Pwede ba kitang yayain? (saan?) sa pasyalan
(sige ba!) pagkatapos ituloy na sa kasalan…
(ha? baliw ka ba?) ito naman hindi na mabiro
(parang gago ka kase) hehe halika dito
(may gusto ka bang sabihin tapatin mo nga ako, inlove ka ba?)
kaibigan lang kita at hindi tayo talo diba?
(talaga lang ha? totoo ba yan?) oo nga!
(e bat lagi mo kong sinusubaybayan) ah eh ganito kase yan!
(sige paliwanag mo) ayoko lang may tumabi dyan!
(saang tabe?) saan pa ba e di dyan sa tabi mo!
(bakit nagseselos ka?) anong pinagsasabi mo
(kunyari ka pa) kulit naman oo nga mahal kita
ngunit bilang kaibigan lang naman oh, gets mo na?
(okey, sige na, okey na baka hinahanap mo na ko samin)
sige ingat ka, shit! bakit di ko pa inamin

tama ganon nga, di ko alam kung bakit naging ganun
pag nasa tapat na kita, kahit summer nilalamig pa rin ako
tsaka, wala naman si Mickey mouse sa dibdib ko
pero ba’t dinadaga ako
huh! ang madaming katanungan na hindi ko pa masagot sa sarili ko
kay ginawa ko tong kanta na to
para ilabas na to di ko na kasi matiis eh
kahit dito lang,
kahit dito lang malaman mo ang totoo

hindi ko to masabi sa iyo ng personal
baka isipin mong ako’y madrama at emosyonal
nahihiya kasi ako at baka mapahiya
o di kaya’y mahimatay ka at biglang mapahiga
na lang sa lupa dahil saking sasabihing kataga
hindi nasabi kaagad dahil ako’y dinadaga
kapag ika’y nasa harap ko di makapagsalita
pagka’t malayo agwat mo satulad kong maralita

pero sa oras na itongayon ako’y mapapaamin
mahal kita may tsansa bang ikaw ay mapasa akin?
O ayan nasabi na at alam mo na ngayon
kay tagal ko tong tinago sa loob ng panahon
na lagi tayong magkasama satambayan at inuman
minsan nga lasing ka na ang braso ko’y iyong inunan
pero walang malisya papel lang ay kaibigan
ngunit pinapangarap kong tayo’y magka- ibigan

may aaminin ako sayo, may sasabihin ako sayo ha
wag kang maingay ha, ako si Batman!
hindi joke lang..

ayan na sinabi ko na ngayon ko lang nalabas to
sa kanta, pa’no pag nagkita tayo ng personal na naman
pero sana, sa pagkikita natin, maintindihan mo na ko
akala ko nga noon, saging lang ang may puso
mali pala, kahit bakal ang puso ko
ikaw ang babaeng nakamagnet nito

yeah! salamat…