Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (19 votes, average: 4.53 stars)
Loading...

Kaibigang Kapatid – Hambog Ng Sagpro Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Kaibigang Kapatid – Hambog Ng Sagpro Krew

CHORUS:

Kayo ang dahilan kung bakit di ako sumuko
Sa mga bagay na kung bat ang luha ko’y tumulo
Eto ang mensahe ko upang aking ipahatid
Sa mga tropa kaibigan kapangkat at kapatid
Pasasalamat kong kay tagal ko nang gustong sabihin
Ang puso ko ang gumawa nitong aking awitin
Para sa inyong lahat ito ang tanging paraan
Sa mga taong para sakin ay palaging nanjaan

1st Verse:

Upang ako’y mabigyan ng kalakasan ng loob
At manatili na nakatayo at di patataob
Na kahit na ano mang pagsubok na nagdadatingan
Di ako takot pagkat alam kong may malalapitan
Pag ako ay mayroong problema na dinadala
Akala ko ako’y nagiisa ngunit hindi pala
Alam nyo ba kung baket kase anjan sila
Handa na iabot ang tulong nagmula sa kanila
Walang reklamo at walang hinihingi na kapalit
Kaya di lang kaibigan turing ko kundi isang malapit
Na kapatid sila’y kinikilala kong ikalawa
Na pamilya wag ko daw isiping magisa ka pa
Dahil sila’y aking sandalan di ako pinabayaan
Damahin ko kalungkutan di nila pinapayagan
Kung wala kayong lahat kaibigan ko marahil
Wala na rin ako ngunit nandito pa ko dahil

(REPEAT CHORUS)

2nd verse:

At di kayo nawawala at di ako tinalikuran
Yan ang dahilan kung bakit hindi ko kinalimutan
Ang aking pinagmula pakikisama nangunguna
Pag nakita ka ng tropa sasabihin shot ka muna
Pag nabadtrip sa pamilya lalabas ka lang ng bahay
Lakad lang ng konte anjaan sila at merong tagay
Na inyong pagsasaluhan at inyong pinapaikot
Simpleng tulong yan nilang unti unting pinapalimot
Ang problmea mong pasan pasan sa mga pangyayare
Sa tahanan o sa pera o kahit pa sa babae
Kahit sa gulo o away tila ba mga sundalo
Di pwedeng maiwan ang isa manalo o matalo
Ganyan ang kaibigan o mas kilala bilang barkada
Kung ako’y mamamatay na bukas ako;y handa na
At kung may ikalawang mundo o buhay para sakin
Sana magiging tropa ko kayo parin

(REPEAT CHORUS)

Kaya ako;y kuntento na dahil kayo’y naging parte
Ng buhay ko sa kabutihan nyo pano ko gagante
Magtatawagan ang mga tropa kita kita lang sa kanto
Pagkatapos didiskarte ng pichel yosi at baso
Papaikot ang sumbrero para magambag ang tropa
Kahit bente pwede na basta lamang makatoma
Hehe ganito kame atlis magkakaramay
Kaya wag kang magtaka kung bat masasaya ang mga tambay
Dahil tambay ay binubuo ng samahan na tunay
May kaibigang adik mabait iba ay merong sungay
Oo iba iba ang aming mga katauhan
Pero iisa ang grupo pag sa trip at kagaguhan
Pag ika’y nalulungkot kanino ka ba lumalapet
Pag nais mong bumitaw kanino ka ba kumakapet
At kanino ka lumapet sa oras ng kagipitan
San pa ba di ba sa kaibigan

(REPEAT CHORUS)

Videokeman Search