Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (28 votes, average: 4.71 stars)
Loading...

Di Ba – Hambog Ng Sagpo Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Di Ba – Hambog Ng Sagpo Krew

Chorus:
ang pag-ibig nating dalawa’y walang kapantay
anghel sa kalangitan yan ang ating bantay
mahal na mahal kita at wala na ngang iba
alam mo naman sa sarili mo yan di ba?

Di ko akalaing ikaw ay mapasakin
at lalo pang lumalalim pagmamahalan natin
sa bawa’t sakripisyo at luha na pumatak
di pa rin nawawala pangalan mo na tumatak
dito sa puso ko na dati sobra ang tigas,
kaya iwanan ka parang nagtampo sa bigas
puso ko’y sinakop mo parang kastila sa pinas
kung sayo ako mabibihag ayokong maligtas
ikaw ang prinsesa ng buhay kong ito
at ako ang prinsipe handang mag-alay sa iyo
ng pagmamahal pati aking buhay di mamamatay
pag-ibig ko kahit hanggang sa hukay
ganyan ang pagmamahal ko parang bagyo
sobra ang lakas para lang sayo

Repeat Chorus

sa mga oras na ito titig ako sayong litrato
ngayon pakinggan mo itong awitin na likha ko
mukha ko dahil sayo muling umaliwalas
dahil buong pagmamahal mo sakin pinamalas
at nalagas ang pait ng aking mga nakaraan
sa kalsada nabuhay nung ikaw ay dumaan
sinabi ko saking sarili ikaw aking napili
dahil sa aking buhay ikaw ay nanatili

di mabilang sa daliri ang ligaya mong dinulot
patapon na buhay ko ikaw ang tanging nakapulot
at akoy nagagalak dahil sa ikaw ang kasintahan
dahil panloob at panlabas taglay mong kagandahan
masasabi ko ngayon sayong piling akoy mapalad
kung kailangan mo nandito lamang ako kaagad
di kita pababayaan ako ang iyong anghel
dahil sa buhay kong ito sorang laki ng yong papel

Repeat Chorus

ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito
patawarin mo na rin sana lahat ng mga mali ko
na nagdulot sa puso mo ng malaking pinsala
sana sa sinasabi ko ikaw ay maniwala
mga pagkakamali natin ituwid
para mga pagsubok matawid sa mga araw na hinaharap
marami man ang pagdaanan sa huli merong sarap
ikaw na sana ang makasama
hanggang ako’y sumakabila
ikaw na ang maging asawa
mga pagkukulang ko bigyan mo ng panahon
para makabawi pa kahit hindi man sa ngayon
at sa ngayon ako’y mananatiling matatag
para di mawala ang ating tinatag na relasyon
na para bang isang karagatan
pagmamahalan umaalon ng walang katapusan

Repeat Chorus

ikaapat na bersikulo pakinggan mo ito
di sapat ilang kanta para maparating sayo
ang pasasalamat ko ng lubos dahil sa ako’y
pinagbigyan kaya ngayon akin ka, haay!
ang buhay ko ay kay sarap -lyricsprint.com
kaya ngayon ikaw ang bida at laman ng aking rap
at ikaw ay espesyal ang sagot sa aking dasal
sana di na magtagal ang araw ng ating kasal
wag ka sanang maghahanap pa ng iba
alam mo naman na tunay ako sayo diba
ang panahon paglalambing ko sa iyo itutuon
sa paraiso mong pangarap isasama ka doon
dahil ikaw aking kailangan sayo ako kampante
ang buhay ko na nakapila sa iyo ay umabante
kasi sa iyo wala ng hahanapin pa
kaya wala ng dahilan para iwanan pa kita.. diba?

Repeat Chorus (2x)