Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (135 votes, average: 4.16 stars)
Loading...

para to sa mga minamahal naming mga binibini,
Flich one, Hambog ng sagpro

halika makining ka sa akng matamis at malupit na mensahe
kaya ako umiibig ikaw ang responsable
sa iyo ay komportable mahal na mahal kita grabe
mahal na mahal kita lagi sa katulad mo wala akong masabi

napaka buti mo napakaganda mo
ano pa ba hahanapin sa iyo lahat ng positibo ay nasa iyo
ikaw ang tala dito nagala di inakala itinadhana
pakilala ka ni Bathala, ipinagpala kahit masala ah bahala
hala hala hal hala lagot ka
dahil ang pinakamalupit na pagmamahal ay iyong maabot na
at ngayon masasagot na tanong kung meron bang forever?
di ko po alam ang alam ko lang ika’y iwan, never

Chorus:
Parang nasa langit ang pakiramdam ko pagkasama ka
wala na kong mahihiling pang iba
sapat na saking nasa piling kita
sana di na matapos ang kaligayahang nadarama ko
dahil sa walang katumbas na tamis ng pagmamahal mo

sana di na matapos ang kaligayahang nadarama ko
dahil sa walang katumbas na tamis ng pagmamahal mo
oo sa pagmamahal mo,
kumapit ka lamang nang mahigpit sa mga kamay ko
pangako na magtatagal to

nung ina kitang makita sayo may nakitang kakaiba
kaya di na ako nagdalawang isip pa sabi ko
“teka miss, liligawan kita!”
at ako’y pinagbigyan lagi na kita pinapasyal
sinisigurado ko palagi na ika’y matutuwa dahil ikaw ay espesyal
ika’y aking dinadala sa mga lugar na mahal ang tinda
dahil ayokong mapahiya ka pag may nakakita sa ‘ting iba

ubos na pera ko! naku pano to?
san kita madadala ngayon?
ang sinagot mo lang basta’t kasama kita kuntento’t ayos na ko don
dun kita lalong minahal sa pagka-simple mo
habng tumatagal nagiging triple to
oo pag-ibig ko ay triple na aking surpresa
di na bibitawan, di ka iiwanan promise aking prinsesa

Chorus:
Parang nasa langit ang pakiramdam ko pagkasama ka
wala na kong mahihiling pang iba
sapat na saking nasa piling kita
sana di na matapos ang kaligayahang nadarama ko
dahil sa walang katumbas na tamis ng pagmamahal mo (pagmamahal mo)

ikaw ang dahilan kaya nalikha namin ang obra na to
masaya ko sayo idol na kita napalambot mo ang pusong bato
kakaiba to nadadama ko nadadama mo diba ang kulet?
ganyan lang talaga pag dalawang nilalang di ilang magmahal nang malupet
eh ‘to aking hinihintay pakasal na tayo pwede?
sa sobrang adik ko sa iyo gusto na kong ipapatay ni Duterte
ikaw ang presidente, reyna ng istorya ko
kaya pakiusap dito ka lang lagi pinakamamahal ko na nobya ko
oo pakiusap dito ka lang lagi pinakamahalaga na nobya ko

Chorus:
Parang nasa langit ang pakiramdam ko pagkasama ka
wala na kong mahihiling pang iba
sapat na saking nasa piling kita
sana di na matapos ang kaligayahang nadarama ko
dahil sa walang katumbas na tamis ng pagmamahal mo

oo sa pagmamahal mo oh oh
kumapit ka lamang nang mahigpit sa mga kamay ko
pangako na magtatagal to
ang awitin ko ay para sayo mahal ko

na musikalye na, na sagpro pa.

Videokeman Search