Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (138 votes, average: 4.67 stars)
Loading...

Di Na Pwede (With Jackie Ng Sagpro) – Hambog Ng Sagpro Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Di Na Pwede (With Jackie Ng Sagpro) – Hambog Ng Sagpro Krew

Hanggang ngayon ako’y nandito lang naghihintay
Umaasa sa mga bagay na walang saysay

iisa ang susi matatamis na labi
Di na talaga pwede magbalik ang dati

Ni minsan di nalimutan ang Pinagsamahan at Pinagsumpaan

At kaya naman eto na naman ang aking pinagdadaanan

(chorus)
Pinapangako ko sa iyo na di ako magbabago
ikaw lang ang laging
sambit ng aking labi masasayang araw kailanman
Walang papantay sa pag ibig mo na di ko matatago
sa puso ko habang buhay na bigo

Nasaan ka na nawala kana
kaya ako ay napunta sa kawalan

Dun ko nalaman na dapat pala
hindi ko hinayaan na pakawalan

Ang relasyon na walang katumbas
ang intensyon ito’y mailigtas

Destinasyon natin naging taliwas
aking misyon nabigo at pigtas

Kaya bigkas ng aking bibig
di pa lipas sugat ng dibdib

Nagmatigas ka’t di nakinig
kaya likas na walang tindig

Ang pagtayo ko’y pagharap sa araw araw na ito
dahil mahina na ako sa iyong pagkakawalan

Gusto kita na balikan ngunit ikaw ayaw mo na
pinagsamahan natin ay iyong binabaliwala

(chorus)
Pinapangako ko sa iyo na di ako magbabago
ikaw lang ang laging
sambit ng aking labi masasayang araw kailanman
Walang papantay sa pag ibig mo na di ko matatago
sa puso ko habang buhay na bigo

Kailangan tanggapin ko di na pwede
talaga ibalik pa ating mga nakaraan

Lumuhod man ako umiyak man ako
wala na kong alam na paraan

Upang ikaw ay sakin ibigay
muling ilagay dito saking harapan

Di mapalagay dahil saking kamay
Biglang tinangay lahat ng karapatan

Na Ikaw ay aking laging inaalagaan
at minahal at binabantayan

Ngayon ang dating sating maligayang
araw ay naglaho at di na maganda yan

Bakit ba ganito bakit ganito ano ba
talaga ang naganap sa ating dalawa

Dating masaya na nag iibigan biglang
naghiwalay at di na nila maibabalik pa

Ang dating kanila at sobrang sakit na

Kahit ganito gusto ko na malaman mo
hanggang ngayon ay hindi ka tinatanggal

Dito sa puso kong ito pagkat
alam ng aking puso at dama nya
ikaw lang ang tunay nyang minamahal

At hindi kita kayang palitan dahil hindi ko
kayang magmahal ng iba sa iba walang mapapala

Basta palagi mo ito na tandaan na ikaw pa
rin mahal ko kahit na di na pepwede
patuloy ako na aasa sa wala

Videokeman Search