Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (8 votes, average: 4.88 stars)
Loading...

Dear Duterte – Hambog Ng Sagpro Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dear Duterte – Hambog Ng Sagpro

Dear Duterte, ikaw na po aming pangulo
ikaw huling pag-asa na limutin ang pagsuko
Pinas ay napasubo, ngunit ikaw ang sugo
upang pigilan aming mga luha sa pagtulo

sino ba naman kasi ang di maiiyak?
ipapakain sa pamilya namin ay hindidi tiyak
kung meron ba o wala? kulang ba o sapat?
pondo para sa ‘min napunta kase sa di tapat

pinaghirapan ng mahirap napunta sa kanila
pero sayo kami tiwala, di ka ganoon di ba?
ang tiwala at ang puso ng Pinoy nasa ‘yo po
kaya nga ikaw ang binoto namin para maupo

na kami ay itayo mula sa pagkakadapa
abot mo sa ‘min pag-unlad na di pa namin nakapa
aming pagpili sa iyo sana kami’y may mapala
sa mga dating umupo kasi kami ay nadala

at alam ko po pangulo na makikita mo
pamilya nasisira dahil lang sa bawala na bato
hindi na kakaiba to, mapipipigilan mo ba to?
sasaluhin mo ba problema na sayo ibabato?

dahil alam mo naman Pinas madaming suliranin
taghirap na nga kami lahat pa ay kukunin sa ‘min
swerte na kami kapag may isasaing na bigas
ang mahirap pinahihirapan, ganyan sa Pinas

dahil ba walang trabaho? tingin ko di ganon
may trabaho ngunit di sapat dahil sa korapsyon
mga bilihin mamahalin hbang maliit ang sahod
di makatarungan kapalit ng aming mga pagod

dahil dyan nag-aabroad ibang Pinoy ng sapilitan
paghihirap o pangungulila lang pagpipilian
pagbalik mga anak di na kilala ang magulang
di sana ito nangyari kung gobyerno di magulang

sana wag magkulang iyong pamamalakad
sana sa iyong kamay na bakal maging mapalad
bawat buhay namin mga Pinoy at Pinay
dahil pagbabago kay tagal na kaming hinihintay

sa paghihirap po kasi sawang-sawa na po kami
mga makapangyarihan sa Pinas kami inaapi
sila ay mga tao ngunit asal ay pang-animal
mga buwaya porma ay disente ngunit kriminal

kapag mayaman ang nagnakaw ang tawag negosyante
kapag mahirap ang nagnakaw ang tawag ay pugante
pag mayaman nagkasala, napapawalang sala
pag mahirap nagkasala, kulungan na ang sala
kaya sana po pangulon gawin mong pantay-pantay
ang pagtingin sa mga tao ng batas nating sablay

pero ngayon sa pamumuno mo nagtitiwala pa ko
dahil kilala ka naming patas lang at makatao
umaasa mga tao di na muli pang manloloko
gaya dun sa administrasyong Aquino at Arroyo

sana lahat magbago sa iyong paglilingkod
kahit mahigpit at istrikto ka kami ay susunod
dahil alam naman namin na para sa ‘min din ito
sa ‘min magsisimula ang pagbabago di lang sa iyo
dapat kami’y kumilos din habang ikaw nag-gagabay
aming paa’y ihahakbang habang hawaka iyong kamay
at kami ay iyong hatid sa aming mga kailangan
at muli mong ibalik kinang ng Perlas ng Silangan

marinig mo man ito o hindw ayos lang
mahalaga iyong mithiin iyong matapos ang
lahat ng dapat mong tapusin sayong pamamahala
sa ‘ming bayang di magiliw, ikaw na po bahala

hanggang dito nalang, ikaw na po magbago
sa Pinas. Nagmamahal, Hambog ng Sagpro