Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (57 votes, average: 4.70 stars)
Loading...

Dahil Sayo (Mirae) – Hambog Ng Sagpro Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dahil Sayo (Mirae) – Hambog Ng Sagpro Krew

1st Verse:
Nais ko na malaman mo ikaw na nga aking napili
Bawat letra sa pangalan mo sa puso nanatili
Pinangako sa sarili na ikaw sasambahin
Di na ko lalayo sayo kahit ako ay sampalin
O kurutin o sabunutan kagatin o tadyakan
Sasaluhin lahat iyan basta’t lagi kang nanjaan
Para ako’y pasayahin di ba jan ka propesyonal
Pagibig ko ay espesyal at hindi to artipisyal
Ika’y laging ipapasyal matira man sa pera bente
Para kang tatoo sa puso ko sapagkat permanente
Kang nandito hanggang sa kahit ikaw ay maging lola
Hindi to pagbibiro seryoso to di pambobola
Ang mensahe ng damdamin dinaan sa liriko
Hindii kita pwedeng iwanan para bang sarili ko
Di rin kita malilimutan magkaron man ng amnesia
Love pa rin kita turukan man puso ng anesthesia

2nd Verse:
Ako ang syang napili mo kahit may pagkachoosy ka
Kaya ang buhay kong tahimik ay nagkamusika
Kaya para sayo pagibig na singlalim ng Pasipiko
Badtrip na ako pag di ka nagtetext sa CP ko
Sa PC ko panay litrato mong magaganda
Kasing ganda ng kalikasan tulad mo san mang banda
At ultimo ang may stiffneck sayo napapalingon
Ika’y naiintindihan kahit para kang jejemon
Mahal kase kita tanong ko lang mahal mo din kaya ko
Pipiliting ngumiti ka kahit magmukang payaso
At ako ay nagagalit pag ang gas nagmamahal
Pero ako’y sumasaya kapag ikaw nagmamahal
Sana’y malinaw na lahat sana’y maglaho ang malabo
Para ang istorya natin ay malabo ng maglaho
kahit may nanggugulo mga tukso na laging tuso
Binura mo ang paniniwalang saging lang may puso

3rd verse:
Ikaw ang dahilan kung bat nakalikha ako ng love song
Sana’y tanggapin mo to di man kasing lalim ni Bob Ong
Magkaron ka man bigla ng pagtingin sa iba
Basta’t bigay mo ang karapatan kong mahalin kita
At minahal kita hindi ng dahil sa maganda ka
Bagkos para sakin maganda ka dahil mahal kita
Lahat sa buhay ko’y male lahat male at puro sala
Ngunit dumating ka na nagkaroon na rin ng tama
Aking buhay ay pinasok mo kaya ko lumakas
titiyakin sayong pagpasok di na pwedeng lumabas
Pagmamahal ko sa iyo ihalintulad mo sa hangin
Di mo to kayang makita ngunit ramdam mo sa akin
Sinadya kong mahalin ka at sa puso ko’y taos
Pagibig ko’y may simula ngunit walang pagtatapos
Hinahangad ko pa ngayon lahat ng yong pagmamahal
Nang dahil sa iyo ang dyablo ay natutong magdasal