Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (24 votes, average: 4.71 stars)
Loading...

Co-Love-Rations (Remix) – Hambog Ng Sagpro Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Co-Love-Rations (Remix) – Hambog Ng Sagpro Krew

1st Song: Mahal Mo’y Di Na Ako:
Paano ko nga ba mapapadama mensahe kong hatid
Kung ito ay ginawa ko para sa kanya na ubod ng manhid
Pero sige itutuloy ko alam ko namang makakarating
itong awiting tinugon ko sa dating nobya kong malambing
Pero ngayon wala na anong nangyare
May iba na sya ah salbahe
Sabe nila nangiiwan lalake pagnakamtan na ang gusto
Pero sa sitwasyon ko baliktad ang babae pa ang nanakit ng husto
Oo nakuha sayo ang gusto at ang gusto mo ay tupad pag ginusto
Dahil ikaw ang lahat ikaw ang mundo ko pati buhay ko at Dinyos ko
Pero sa iba ka na humarap at ako tinalikuran
lagi mo syang naaalala ako kinalimutan
Kaya tayong mga nagmamahal ay tila malas
Nasasabe na tuloy sa pagmamahal ba’t di ka patas
Dahil mahal ko sya sya mahal niya iba nato
kaya mahal nya di na ako

2nd Song: Text

Text text text text text text text text text
Yan ang ginagawa imbis na sex at maghanap ng next kay ex
Pero minsan scenti at feeling empty nagpost sa FB “My girl just left me”
I have a plenty of load so text me at sana sexy ito at friendly
At biglang nagtext ito ako’y nachoke
Hot kase itong babae di to joke
Chat palitan pa kame ng mga qoutes
Ba’t ang feeling ko sayo ay parang coach
Dahil tinuruan mo ako kung pano magmahal
Sana lagi kitang kausap kahit load ay magmahal
ikaw ang globe mundo ko sa lahat smart ka jan
talk & text mo palang maliwanag pa sa sun
Mundong madilim at dead dahil sayo ay nainspire
Love ko ay unlimited at hindi to maeexpire
Babasahin mula umpisa usapan upang ngumiti
kase pag binabasa ko ito kinikilig muli
Where na you dito na me
Sa puso mo ikaw kasi

3rd Song:

Dito sa ating mundo mayroong mga bagay na di talaga maaari
pagpapalit ba ng reyna sa hamak na kawal ang minamahal nya na hari
Di ba hinde at alam ko isa lamang itong malaking kalokohan
Pinangite mo ko kase kaya nakuha mo ang kalooban
tila ikaw ay nagreyna sa kaharian at kastilyo ng pusong umibig
Tila ikaw ay nagutos na mahalin ka nung ako ay pasimpleng tumitig
Pero wala kang inutos samakatuwid mnahal ka ng kusa
Pero posible ba masama ka at ikaw ay milagrong makuha
Ng nagpapanatang isang makatang sa kanta lamang nya makakayang
Mapadama ang nadarama nyang pangarap nga lang na makasamang
Tunay ang katulad mo di bagay sa katulad ko
Na tambay pakiusap ko at sana’y ang nasulat ko
na kahit saglit lang ito’y pansinin
Alam kong di ka pwede kahit gusto kang angkinin
Kaya ikaw ang laman at ang inspirasyon ng mga rap ko
Magsusumikap ako at maghihintay nalang sayo pangarap ko

4th Song: Romantikong Manliligaw

Ops teka lang miss makinig ka baka pwede namang maistorbo kita
Hindi ako tulad nila na nanligaw nang maka-score lang sila
Iba ako iba sa iba itanong mo pa sa kanila
Sagpro to sa pagmamahal kame ay subok na at kakaiba
bakit ka ba isinilang na tila anghel na namuhay sa aking mundo
Ah alam ko na kaya pala para mahalin ko
ganda ng yong mata ganda ng katawan ganda ng kilos mo ganda ng boses mo
nabihag mo na tuloy ang romantikong makata tanggapin sana ang roses ko
ngayon ay di na kita mahal pa sinta
Dahil mahal na mahal na kita
Sana naman ay malaman nararamdaman at nilalaman kaw lang naman
Tandaan kayamanan kapag nakamtan kaya nakantahan na naman
Ang katulad mo sana ikaw at ako at ako at ikaw at wala ng sila
Ano man ang yong nakaraan wala sakin iyon basta mahal kita
ikaw ang nilalang na biglang nakilalang hindi lang isang magandang
Binibini kung di ikaw ay iba nga sa lahat kaya naman sadyang…
Ako ay nahulog na sayo

5th Song: Hinahanap hanap kita

Dinadasal dasal sa akin ka mapunta
At minamahal mahal kita sana mapuna
umaasa balang araw sana maging tayo na
Di naman ako mabagal pero merong nauna
Yan tuloy ang puso ko sa kalungkutan dinala
kase naman kase naman anak ng tupa sila na
kaya ngayon ay iba na ang lagi mong binabangget
Ako’y nananahimik lang pero putek ang saket
Alam mo yon ako yung umaasa non
Ako ay parang ninakawan oo kumbaga ganon
Nangyari sakin ano nga ba naging kasalanan ko
Siguro nga saking diskarte sya ay nabagalan no
Kahit na ang pangalan mo pilit ko nang tinatanggal
Sa akin puso ba’t ganon ikaw pa rin minamahal
Hanggang ngayon aking mata ay hinahinahanap ka
Sana pala noon palang ay di na pinangarap ka